Saturday, December 27, 2008

Tamad Na Pasko

***++Kuya Kim Mode++***


Sa BICOL ako nag-celebrate ng Christmas.
Ang PASKO pala dito ay maalat.
Lahat kasi ng POLITIKO,
laging sinasabi sa TV na
"Maogmang pasko ASIN Manigong Bagong Taon"

haha... joke...


Marami sana ako gustong isulat tungkol sa aking experiences nitong mga nakaraang araw pero inatake na naman ako ng katamaran. Anyways, masaya naman ang naging pasko ko pero mas excited yata ako sa pagpasok ng bagong taon. Medyo hindi umayon sa aking kapalaran ang 2008 kaya sana naman ay maging maganda ang pagpasok ng 2009. I'm turning 20 next year. Hindi ko pa naiisip ang New Year's Resolution ko dahil alam kong hindi ko naman ito matutupad. Ika nga, I just go with the flow.

Huli man ang aking greetings, Maligayang Pasko pa rin sa ating lahat at sana ang diwa ng Pasko ay magpatuloy sa ating mga puso sa mga susunod na araw at hindi ngayong bakasyon lamang. Have a prosperous New Year na rin.

Monday, December 15, 2008

December 12 is PUTANG INA Day

Fast Forward 2010

President Mar Roxas signed Executive Order Number 1 declaring every DECEMBER 12 as PUTANG INA DAY to commemorate his historic one-liner statement at the Anti ChaCha rally in Makati City..




Chomorva ka na naman sister... may pa-P.I. - P.I. ka pa ngayon eh dati rati Imbyerna lang at etchoserang frog ang kaya mong i-say...

Mr. Palengke ka nga.

Lurky ako sa'yo.



Friday, December 5, 2008

Christmas WishList

Haha. Gumawa ako ng wishlist last year at naisip ko na 3 lang sa 12 ko na binanggit ang natupad. Not bad di ba? Kaya ito, dahil nauuso yata sa ibat ibang blogs ang paggawa ng Wishlist para sa pasko, gagawa ulit ko for this coming Christmas.

Hindi naman ako mahilig sa regalo. Sanay ako na hindi nakakatanggap ng regalo tuwing sasapit ang pasko. OK na sa akin ang bagong polo shirt na bigay ng nanay ko tuwing December.

Kaya eto na.

#5 MTRCB Movie Pass

Kasama rin ito sa listahan ko last year at gusto ko pa rin siya isama ngayon. Haha. Gusto ko sana mapanood ang lahat ng pelikula na gusto kong panoorin sa susunod na taon. Kaya nakikiusap na ako kay chairman Laguardia. Baka naman may passes ka diyan. Penge. Haha.

#4 ONE YEAR SUPPPLY of CHARANTIA CAPSULE


Masaklap pero mukhang kailangan ko nga yata talaga alagaan ang katawan ko. Matagal na ako nagdududa na may Diabetes ako pero tinatamad ako magpa-check ng Blood-Sugar Level at the same time ay medyo kinakabahan din ako. Pero hindi naman yata masama ang mayroon kang maintenance capsule di ba? Kaysa naman lumala pa at magkatotoo ang hinihinala ko.

#3 PC FORMAT OF EA's NBA LIVE '09

Too bad dahil hindi nag-release ang EA SPORTS ng NBA Live 09 sa PC format nila. Pero sa tingin ko naman ay hindi pa late para maayos nila at pwede pa naman siguro sila humabol. I'm really missing the excitement of playing a new version of NBA Live every year. SANA.

#2 A New MP3 Player

Given na ito. Ibinili na ng dad ko for the past 2 years ang dalawa kong kapatid ng MP3 player. Actually, 3 na lahat nabili niya. Pero ako, never pa. But because he's coming home this Christmas for us, natext na niya ako na nakabili na siya for me - a SONY 8 GB Walkman. I'm just not sure of the model but I want the NWZS version. I don't know pero mula yata noon pa ay mahilig na siya sa SONY items.

#1 BAGONG Girlfriend - Si DIANA

Ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog ng mahimbing mula ng masilayan ko ang kaniyang mga mata. ANg kanyang labi at postura ay talagang nakakabighani. Kaya wala talaga akong ibang gusto ngayong pasko kundi ang mahawakan ko siya at makapiling habambuhay.

Ito talaga ang gusto ngayong pasko - si DIANA. At nagdadasal na ako na sana ay magkatotoo.

Wednesday, December 3, 2008

Now Showing

Gumuhong World Trade Center.
San Francisco Bridge na naputol.
White House na inatake ng mga aliens.
Naglahong populasyon dahil sa isang virus.
Monster na umatake sa New York.
Higanteng Lizard na nangwasak ng mga buildings.
Higanteng Unggoy na umakyat sa Empire State Building.


Ang mga nabanggit ko sa itaas ay hindi plot ng isang panibagong terrorist attack matapos ang nangyari sa Mumbai. Ngunit ang mga iyan ay ilang eksena sa pelikula na gawa ng mga American Filmmakers.

Ano pa nga bang Historical sites sa bansa nila ang hindi pa nawawasak sa kanilang mga pelikula?

I mean, gustong gusto nilang pasabugin ang mga lugar sa bansa nila. Gustong-gusto nila na maghasik ng lagim sa mga pelikula.

Ngunit kapag nagkatotoo tulad ng nangyari sa World Trade Center, sisihan sa gobyerno, iyakan ng walang katapusan at sa huli - siyempre ay ang gustong gusto ng lahat - BENEFIT CONCERT.

Hahaha. Iyon yata ang pinakamasayang pangyayari matapos ang trahedya. Ang BENEFIT CONCERT. Isa na yatang tradisyon ang pagdadaos ng BENEFIT CONCERT matapos ang trahedya sa bansa nila. Iyan ang panahon kung saan bigla mong naramdaman na may karamay ka sa gitna ng trahedyang pinagdadaanan mo. hindi ka nag-iisa. Kaisa mo ang lahi mo at ang buong mundo.


Naisip ko ay buti na lang ay hindi pa ito nangyayari sa sarili nating bansa. Hmp. Ano kaya kung may mag-isip din na bombahin ang Rizal Park? Meron din kayang mga taong magdadalamhati kung pasabugin nila ang estatwa ni Rizal - ang ating pambansang bayani? O baka matuwa pa ang iba at mawawala na ang lahat ng nagra-rugby sa lugar? At may hihirit pa na sana isunod na ang Malakanyang para mawala na si Gloria.


Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa ating mga Pilipino kung sakali man na tayo ay atakehin ng mga terorista. Ngunit sa totoo lang, ayaw ko ng malaman pa ang sagot sa mga tanong ko na iyan. Mabuti na sigurong aminin na lang natin na baluktot ang pagkakaisa nating mga pinoy kaysa naman maipit pa tayo sa isang sitwasyon na hahamon sa ating lahi.

Para sa akin, maswerte pa rin tayo sa kalayaan at seguridad na natatamasa ng ating bansa, kumpara sa THAILAND, INDIA, HAITI sa mga nagdaang araw. Isama mo pa ang dekada ng gulo sa SOMALIA na naging pelikula na rin. Maswerte pa rin ako dahil may LRT at MRT pa akong nasasakyan upang umiwas sa TRAFFIC sa EDSA at TAFT avenue. Maswerte pa tayo dahil kahit isang beses sa isang buwan ay nakakapamasyal tayo sa loob ng mall na walang bayad ang pagpalamig sa Air-Con. Maswerte pa rin tayo na kahit mabagal ang takbo ng hustisya ay umuusad pa rin ito sa ating bansa. Maswerte pa rin tayo na kahit sangkatutak ang tiwaling opisyal sa ating gobyerno ay naiisipan pa rin nilang magpagawa ng mga kalsada, tulay at mga eskwelahan kahit isang beses sa siyam na taon nilang panunungkulan. Maswerte pa rin tayo dahil kahit may mga pari tayong nakakabuntis, bakla, terorista ay napupuno pa rin ang simbahan tuwing linggo at hindi pa naglalaho ang ating pananalig sa Diyos.

Alam ko na marami sa atin ang naghahangad pa rin ng pag-unlad o ikaangat sa buhay. Ngunit hindi ito nakukuha sa isang iglap kahit sampung beses man tayo magpalit ng pangulo mula ngayon hanggang 2010. Hindi assurance ang CHA CHA ng pagbabago. Hindi tayo yayaman kung ma-impeach man ang PRESIDENTE. At lalong hindi tayo uunlad kahit makapasok ang PLONING sa OSCARS.

Habang nagkakagulo sa Mumbai noong isang linggo at naka full alert ang Militar natin dito sa Pilipinas, ang balita sa TV PATROL ay kung totoo ang usap-usapan na magkakabalikan si Dingdong at Karylle. At kung sino ang partisipante ng Pinoy Fear Factor ang susuko sa hamon ng mga ahas. Marami nga sigurong mas importanteng bagay kaysa sa ating seguridad at sanay na siguro tayong maging manhid sa kabila ng takot na pwedeng mangyari ang mga kaguluhan na nagaganap sa ibang bansa at malipat ito sa sarili nating bayan.

Kung kayo ay kuntento na sa buhay niyo ngayon, sana ay hindi magbago ang sweldo niyo sa inyong trabaho. Kung kayo ay patuloy na naghahanap ng pagbabago sa lipunan, sige at baka madaan pa natin iyan sa konti pang tulog. Kung kayo ay sawang sawa na sa pagiging Pilipino, may mga bundok sa Africa ang hindi pa natitirhan ng tao.

Kanya-kanyang diskarte nga lang siguro iyan. Kanya-kaniyang oras ang darating para sa nararapat na bagay. Kanya-kanyang pagsubok na hahamon. Ngunit sa huli, kanya-kanya din ang pagtindig para makabangon kahit pa mahila ulit natin pababa ang una ng tao na nakatayo.

Sunday, November 30, 2008

Dementia

Nothing in my life seems to last. Everything just come and go. I even thought now that I'm already suffering from Alzheimer's Disease and my whole memory is about to break down. But there are just some great things I'm keeping.

There was one chapter in my life that I regret until now.

It was like I was given a gift from God but everyday I was thinking that this thing wouldn't even last a week. It was like I'm medicating myself with the right prescription but it was just given on the wrong time. Indeed, it didn't work out. I made the wrong decision by killing it. Thinking I would be okay, thinking it was just some sort of attachment in a cold season and I could easily get over it, I made a decision I would soon regret. It was gone. Because of me.

Time have passed by, I got attached to other things. I guess it was the start of time where I'm finally starting to learn the new melody of my life. Indeed it gave me a new song, like a new fad for a new season and learn to just accept that this is the window I was looking to open. It lasted for some time, but still the idea that there is no infinite thing on earth haunts me again. I was again haunted by my own ghost. Ghosts of my past where I made a bad decision that I thought was only attachment. A certain memory wherein I lost momentum.

But if there's one thing about losing that I love is the pain. It's like my personal solace. My addiction. Every pain I keep on inflicting to myself was like giving me the idea that this is what I wanted.

But then, I go back to my own pinnacle. To where it all started.

All of a sudden, like a sudden gush of blood, chances would come into my life. It's like rewriting an old manuscript. But the only difference is that it has to be fast this time. Real fast. "No time to waste a kind of opportunity like this one". It will happen so it should happen. After an hour or so, there it is again - the bullet. It's standing right in front of me. The next minute - I was shocked. I was like hit by a train or something. I couldn't believe that of all places, it's going to happen here. Right in front of me, a gun. Anytime soon, the bullet will hit me. My heart beats faster than ever. My mind thinking whether I should take cover or not. But before I can think of a decision, that bullet once again hit me hard. Knocked me down. Right here in my heart. It was surreal. I never expected that kind of thind happening to me again. That for the next three hours I would be the weakest person on earth. I can feel the pain now. The pain which I have missed for so long is once again inside of me - crushing me. I couldn't even utter a word to say. I just let it kill me - nevertheless it felt so good. It gave me chills for some moment and then jerks in the next minute. I was hurting myself thinking it will never last. I was right. I'm still alive. But I realize something about that kind of pain I used to love.

The next time I find that gun, I will make sure it will kill me - fast.

TWILIGHT: Movie Review

Okay, I've watched the film already - just hours ago actually. I don't usually watch movies with any horror/ vampire/ aswang theme but because this movie is generating a lot of buzz lately then I think that maybe my 150php and 2 hours inside an air-conditioned theatre would be all good. The seats inside the theatre were all filled. It was the last full show on a reserved seating basis and I watched it alone.

Okay, so here's my own take.

The movie is obviously based on a novel - a series actually and because I haven't read the novel, I would just focus on the flick itself.

CASTING

Here is my advice for those who have not seen yet the movie - don't watch it if you're looking for some hot or cute guys a la David Archuleta or Daniel Radcliffe because you'll just probably be disappointed with Edward(Pattinson). He is not there to display his body or something. Bella is just too beautiful or pretty for him which I guess contradicts the situation that Bella is the one attracted to this VAMPIRE as evidenced by the director's use of hand-held cinematography in some scenes. But it was fair, because Pattinson is obviously portraying a vampire with I guess some sort of WEIRD personality. He doesn't have to be so pa-cute. Overall, I love that the production did not incorporate any big name in the cast. It was a well balanced crew.

Grade: 3.5 / 5

SETTING:

The place was beautiful. From the forest to the beach it gives you a relaxing panoramic view of the world of the vampire. Plus the use of sort of a country-inspired town is just perfect for the movie.

Grade: 4.25 / 5

STORY

The story is so predictable obviously because of the theme - a vampire who fell in-love with her classmate and its forbidden in their coven and some villains must be put in the story so that both lovers would fight for their love. But what makes this extra special is the fact that its story is well-balanced. It doesn't have to revolve in the whole vampire thing or romance thing. They put action to it and some sort of personal struggle. It's also a plus that there is some sort of narration on Bella's point of view which I guess an obvious take on the novel. The humor was okay - something that PINOYs love in all movie I guess. The only flaw was the portrayal of the villains - it was soft for me. I wasnt even afraid of those volturis. Those guys seemed to be part of Snoop Dogg's crew or something minus the bling bling. The Cullen family was the one I loved the most on ho they treat Bella.Plus the portrayal of all the vampires as seen within their capabilities was I guess a modern way of how we shoud see them in another aspect rather than in our fantasies. The script was awesome anyway.

Grade: Romance + Vampire + Suspense = 4 / 5


EFFECTS

Okay this is a vampire movie so they need to show some power sort of a superhuman or something like standing on top a tall tree. I guess the visual effects were done really beautifully as they incorporate it within the whole stretch of the story. Reminds me of the movie 300. IL&M takes credit for it but I really love that scene when the girl was almost hit by a car and the vampire saved her. Plus the ending where they were fighting and those vampires were flying from point A to point B made Lito Lapid a joke in all his stunts.

Grade: 4 / 5

CINEMATOGRAPHY:

I've seen different kinds of film who used different approaches or style in cinematography but this film I guess mixed a lot of styles. At some point, it's like watching 300 then you shift to CLOVERFIELD then DA VINCI CODE. I mean it's like listening to a professor who's doing a lecture and instead of using the overhead projectors with all those acetates, he used POWERPOINT. Effective but very common already. The only good thing is the use of hand held cinematography to portray Bella's sort of lust or obsession for the vampire.


Grade: 3.5 / 5


SOUNDTRACK / Musical Score:

I guess this is where the movie made a great success. It's just really perfect. All the songs were so good. All the incorporations were perfect. From the use of classical to punk to rock to country style music, the score just convey the whole story as a whole. It adds to the excitement of the film.

Grade: 5 / 5

FINAL REVIEW:

THe movie would surely be a hit among us pinoys because of our liking to movie themed such as this one depicted in TWILIGHT. But I guess all the excitements that were generated by the novel turning into a movie is overrated. I still believe that whether it is a movie adapted from a novel, the novel should have nothing to do the with the film anymore once the camera starts rolling and that is I guess were this film failed. It's too obvious and predictable most of the time. But it was sweet. I have good smirk at times and watching the movie with no companion inside the theatre makes me feel like there is a vampire inside of me.

I recommend this film to those who wants to just kill some time and sort of fulfill their childhood fantasies.

It was a good movie but not a great one.

Wednesday, November 26, 2008

Shake Rattle and Roll X : Made in PWU???


Wala akong magawa habang nakaharap sa computer ng bigla kong maisip ang sabi ng isa kong kaibigan tungkol sa pelikulang SHAKE, RATTLE & ROLL X na Official Entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival. Sabi kasi niya, Sa PWU daw ang set ng isa sa mga kwento ng pelikula na si Kim Chiu at Gerald Anderson ang bida. Sa PWU kasi ako nag-aaral(dati). Sa january pa ang balik ko. Hahaha. Hindi ako naniwala. Kaya naghanap ako ng pruweba.


Oras din ang ginugol ko sa research hanggang sa makita ko ang TRAILER mismo ng pelikula. At nagulat ako sa scene na ito.


Huwaaat!!!!!!

Tama ba ang nakikita ko?

Iyan ba ang BAYANIHAN PASEO ng Pidabz kung saan nakatayo sina KIMERALD? As in the BAYANIHAN PASEO kung saan may alamat na hindi gumagraduate ang tumatambay dito? harhar.

Chumochorva na talaga ang pidabz. Una, may Grand Star Dreamer na sila. Tapos, biglang nag-enroll si Tito Boy. Tapos ngayon, may pelikula na. hahahaha.

Pero kung sa Pidabz nga ang set ay hindi na ako magtataka. Sana lang ay ipakita rin nila 'iyong mga kwarto sa may mezzanine. Hmp. Tumitindig kasi talaga ang balahibo ko pag dumadaan ako sa parteng iyon. Doon ko kasi naranasan ang first brown out ko sa Manila bandang alas siete ng gabi. At lahat kami takbuhan habang nasa meeting.

Na-eexcite tuloy ako sa muling pagbalik ko sa Pidabz sooooon. May mga namimiss na rin kasi ako. Haha. Natatakot din na baka hindi ko ma-adjust ang mga kukunin kong subject at grumaduate ako ng 2020. haha.

Hanggang sa muli PIDABZ.

UNFAIR ang LAYP

Isa sa mga kadalasan nating ginagawa sa araw-araw na takbo ng buhay ay ang pagsasalita. Pero naituro na naman siguro sa inyo sa High School na ang mga binibigkas o sinusulat nating mga salita ay may ibat ibang lebel o uri. Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga uri na 'iyon ngunit gagawin ko na lang siyang mas simple para sa inyo.

Marami akong napupulot sa panonood ng TV. Ilan dito ay ang mga binibitiwang salita ng mga artista at ibat ibang uri ng tao kaya naisip ko ano nga ba ang mga pinagkaiba ng mga salita na gamit nating mga karaniwang tao sa mga salitang gamit ng mga personalidad.



Sa KARANIWANG TAO na magkarelasyon na naghiwalay:
COOL off / nag-BREAK / SPLIT-up / LQ

Ngunit kay SAM MILBY at ANNE CURTIS:
"We're not exclusively dating anymore"
(oh dava bongga ang lola mesh)



Sa KARANIWANG TAO na may kolores ang kuko:
MANICURE / PEDICURE

Sa mga ARTISTA na may disenyo ang kuko:
"NAIL Art"



Sa EMPLEYADO ng opisina na nagkamali sa trabaho - ang excuse:
"Sorry TANGA lang" / "Sorry TAO lang"


Sa PRESIDENTE ng BANSA na tumawag sa COMELEC official kahit BAWAL - ang excuse:
"lapse in judgment"



Ang tawag ng masa sa iniinom na TUBIG na nasa bote:
"Mineral(water)"

Ang tawag sa BOTTLED WATER ni Kris Aquino at Boy Abunda:
"Alkaline Water"



Ang tawag sa bisyo ng mga adik sa kanto:
sumisinghot / nag-aadik / tumitira

Ang tawag sa bisyo ni TIM YAP at Borgy Manotoc:
"snorting coke"



Ang tawag sa pagpatay umano ng MILITAR sa miyembro ng NPA at mga AKTIBISTA ( magkaiba sila):
"extra judicial killings / human rights violation"

Ang tawag sa mga MILITAR na pinapatay ng NPA:
"actually wala... walang gustong itawag sa kanila... normal lang daw"



Ang tawag sa tao na wala na sa katinuan ang pag-iisip:
"baliw / may toyo / kulang-kulang"

Ang dahilan ng artista na gustong makipaghiwalay sa asawa pagdating sa husgado:
"psychologically incapacitated"



Ang dahilan ng isang pobre na nagnakaw kapag nahuli:
"Sir, may sakit po kasi ang lola/nanay ko"
Ang dahilan ng GOVERNMENT OFFICIAL na nangurakot:
"just another day at the office"

Sunday, November 23, 2008

The SUPER BOWL of Boxing


The Dream Match
between PACQUIAO and DE La Hoya
is surely going to be a classic match-up

but come on,

nothing is at stake,
except obviously for MONEY.

I have just finished watching
the HATTON- MALIGNAGGI bout earlier.

It was my first time to watch The British brawler fight.

ANd obviously, it was like a soccer match.

The fans were chanting like hooligans
in a CHELSEA-MANCHESTER FC match-up.

They were singing in chorus.
(I heard the song Winter Wonderland)

But it was a GREAT fight though HATTON is not a real great fighter.

But right after HATTON outclassed the Italian Boy via 11thR TKO,

guess who made a CAMEO appearance?





Liam Gallagher and Noel Gallagher of OASIS


David Beckham was also in attendance to show support for his bloody mate.

PUCHA!
Paul McCartney na lang ang kulang star-studded na.



HATTON is a SUPERSTAR in his country.
Though he is not the only superstar,
(they have BECKHAM, Elton john, Beatles,
Rolling Stones, and SOCCER as a sport...
ooppsss.. it's football for them)

He is still a legit prized possession by their country.

Yeah, he is like our very own MANNY Pacquiao in that sport.

That is why I want to make a proposal for the whole boxing world.

MANNY PACQUIAO-RICKY HATTON
The SUPER BOWL of BOXING
PACMAN vs HITMAN
140 lbs
2009



I guess it's time for PACMAN to fight for his real objective- for the country.

De La hoya would give him 33 million in december but this HATTON is a REAL opponent.

It's time that we let those British know who we really are.
Not the one that BBC described in their sitcom.

Just imagine how big that fight would be.
Battle of PRIDE. RACE. DIGNITY.

Oh bloody man, it's going to be BIG.

Wednesday, November 19, 2008

Ang Alamat ng Letter "U" na may Dalawang Tuldok sa Taas

Matagal na akong nababagabag tungkol sa hiwaga ng simbolong ito. Kaya ng magkaroon ako ng oras, ako ay gumawa na ng paraan para ma-resolve ang isang misteryong matagal ko ng gustong malaman.

Huwag kayong mag-alala. Wala itong halong pagiging anti-Christ at walang kinalaman si Dan Brown sa aking ekspiremento.

Ang aking problema: Saan nga ba nagmula ang letter "U" na may dalawang tuldok sa taas. At bakit hibang na hibang ang napakaraming pinoy sa paggamit nito?

Symbol:
Ü

Ang SAGOT:

Alam ko na dati na kasama ito sa German Alphabet. Ngunit kasama rin pala ito sa serye ng mga extended LATIN Alphabet. At hindi lamang mga kalahi ni Dirk Nowitzi ang tumatangkilik sa karakter na ito. Ang tawag sa dalawang tuldok ay umlaut o isang diacritic. Ang sabi ko ay DIACRITIC hindi DIARRHEA. Una siyang ipinakilala sa mga pinoy sa pamamagitan ng NOKIA cellphones. Siya ung pang-walong character na makikita pag pinindot mo ang number 8 pag nagtetext ka sa mga friends mo. At siyempre, sumikat ang karakter niya dahil siya ang pumalit sa usual na smiley na happy face :-)

Malayo na rin ang narating niya sa buhay mula sa pagiging character sa fone. Lumabas na siya sa TV show ni Mariel Rodriguez at kasama na siya sa favorite expression ng mga Pinoy ngayon - ang über
Ngunit hindi puro kagandahan ang dulot ng karakter niya. Minsan, nagiging excuse na siya pag tinatamad ang katext mo or wala na siyang masabi sau. At ang malubha dito, hindi mo alam kung ano ang irereply mo sa katext mo kapag siya ang sinend sau. Magrereply ka ba ng isa pang Ü or hindi ka na lang magrereply?

Kung nanliligaw ka at katext mo ang nililigawan mo at 'yan ang ni-reply nya sa text mo, malamang ay boring ka ng katext at wala kang saysay kausap. Hindi ka good communicator at wala na rin siya masabi. Kaya iwasan siya minsan at mag-isip lagi ng topic.


Conclusion:

Sana ay nakatulong ako sa ilan din nating kababayan na nagtaka tulad ko kung saan galing at ano ang kahulugan ng letrang ito. Maraming salamat at hanggang sa muli.

Saturday, November 15, 2008

Word of the WEAK

PODEROSO-adj.
(Spanish)

in english

"POWERFUL"


Mejorar el aprendizaje del español en este momento
que es cómo el senador Mar Roxas descrito Jocjoc Bolante


(haha)


Kung iniisip niyong galing iyan sa BERSO sa METRO ng LRT,
nagkakamali kayo.


Dahil hindi ko kailangan mag-enroll sa Instituto Cervantes para matuto ng Kastila.


Ginamit ko lang ang GOOGLE translate.

May natutunan kasi akong SPANISH word.
dulot na rin ng panonood ko ng TV.


at iyan ay ang PODEROSO.
Ilang araw na rin akong hindi nakakatulog
dahil sa pag-iisip kung ano ang translation nito.


haha
Ang ibig sabihin pala ay powerful.


Salamat kay Mar Roxas.


Maraming salamat ulit sa GOOGLE Translate.
Hahahaha.

Friday, November 14, 2008

Sa Isang Funeral Parlor


Sa Isang Funeral Parlor:
=================

OWNER: Oh pare, ano nangyari?

CLIENT: Pare, namatay na kasi ang lola ko dahil sa katandaan. Kaya eto, ikaw tinakbuhan ko para sa kabaong.

OWNER: Sige pare, pumili ka na dyan sa mga kabaong na iyan kung ano gusto mo.


(tumingin ang nagdadalamhating kliyente sa mga kabaong)


CLIENT: Ito pare, magkano ba ang ganitong kabaong?

OWNER: 30,000 pare kasama na pati funeral services dyan.

CLIENT: Bigyan mo naman ako pare ng discount. Ano pa't naging magkumpare tayo? 25,000 na lang.

OWNER: Naku pare. fixed price na kasi iyan. Kung gusto mo, bibigyan na lang kita ng isa pang maliit na kabaong. Libre na 'iyon.

SusMaryanokalupo... WTF!






Thursday, November 13, 2008

Deja Vu

Deja Vu
======

This post is about similarities.


BINAY

Makati Mayor JEJOMAR BINAY announced during his 66th birthday his intention to run as President in 2010.


He is now projecting himself as the local version of US President-Elect Barack Obama.


OBAMA



The canine for Sasha and Malia OBAMA issue is still unresolved.

Peru offers bald toothless dog to the OBAMA family.


Claudia Galvez of Peru delivered a letter to the US Embassy in Lima to offer the Peruvian Hairless Dog to US President-elect Barack OBAMA. The dog is said to be hypoallergenic which is the main concern of the soon-to-be first family of US.

In lieu with the dog-dilemma issue, the Republic of the Philippines has also suggested a breed of canine to the OBAMA family.

JEJOMAR BINAY is now volunteering to be the first family's pet in the White House for him to be familiarized with the OBAMA-projection campaign in 2010.

Gagawin ang lahat para sa ambisyon.

The Problematic Human Being



Minsan,
sa tindi ng problema ng tao,
may ibang hindi na kinakaya at gusto na lang magpakamatay.

Mabuhay man,
lumalaki naman na wala sa katinuan.

"It's a matter of making the right decisions"
Tamang diskarte ika nga.

"Life is a game of survival"
Kaya dapat handa ka.
Para tumagal man ang paghihirap,
hindi ka naman magmumukhang tanga.

Wednesday, November 12, 2008

3 DADS with ONE MOMMY -ending-


Takte.
Hindi na ako makapaghintay sa ending ng koreanovelang ito.
Ito lang yata ang koreanovela na nagustuhuan ko mula ng nag pirate ang Pilipinas ng mga shows.
At dahil hindi na nga ako makapaghintay sa ending,
minarapat ko ng panoorin na lang sa youtube.


Kaya aun,
kahit wala ako masyado naintindihan dahil sa KOREAN ang language.
Nakuha ko naman ang thought na gusto niyang ipalabas.


So far, maganda naman ang ending.
(contrary sa sinasabi nilang pangit daw ang naging ending)
Para sa akin,
swak lang at nararapat na ganoon ang mangyari talaga.


Hmp. Siyempre ang killer question...
Sino nga ba talaga ang tunay na daddy ni Baby Nicole?


Si JAKE? Si JAYDEN? o Si ARIEL?


Hahaha. Naintriga ako ng sobra.
Pero sa huli, tama din ang naging hula ko mula umpisa.


ABANGAN niyo na lang.


KAPAMILYA!!!

Tuesday, November 11, 2008

Something the Lord Made


Sa nakalipas na apat na taon,
nasanay na ang sarili ko na mabuhay mag-isa.
Gumawa ng sariling desisyon.
Mag-isip mag-isa
Kausapin ang sarili.
Lahat ng iyan ay natutunan ko ng gawin.
Nagkaroon na ako ng diskarte tungkol sa mga bagay na iyan.

Pero may mga oras na nakakaramdam ako ng ibang klase ng kalungkutan.
Kalungkutan na tila ay tumatagos sa kaluluwa ko.
Nararamdaman ko ang paglamig ng aking pakiramdam.
Na parang pinagkaitan ako ng isang bagay na ninais ko ng matagal.

Wala akong magawa.
Kundi ang pilitin ang sarili na maging bingi sa pambihirang katahimikan.
Pilitin ang utak na ikubli sa katotohanan.
Manahimik.
At lasapin na lamang ang mapait na karanasan.

Ibang klase.
Pero heto ako, at buhay pa naman.
Natuto na kasi ako.
Nasanay na mabuhay mag-isa.
At higit sa lahat,
nakiramdam.
Nagdaramdam sa sariling pagmamahal.

The OBAMA Fever


Tapos na ang eleksyon sa US.
May inihalal na silang pangulo.
Pero hindi pa tapos ang OBAMA fever.

Nariyan ang mga videos niya sa YOUTUBE na sumasayaw.
Ang debate tungkol sa aso na isasama sa White house.
At ultimo ang fashion statement ng kanyang asawa ay pinag-uusapan pa rin ngayon.

Hindi ako big fan ni OBAMA.
Pero aminin na natin mga PINOY.
Malaki ang impluwensiya ng bansa nila sa kultura natin.
Colonial Mentality ba tawag 'don?
Whatever YaYa!!!

Minsan may napanood ako sa TV tungkol sa isang rally.
Grupo ng mga tao na tutol sa VFA.
Kausap ng reporter ang isa sa mga lider ng militanteng grupo.

Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino, giit ng militante.
Alalahanin natin ang pagtatanggol na ginawa ng ating mga bayani.
Huwag nating hayaan na mapasok tayo ng mga kano.
Itaboy natin sila palayo sa ating bansa.
Ilan lang 'yan sa mga kataga na binitwan ng lider ng militante.
Para bang sukang suka siya sa mga Amerikano.
Hanga na sana ako sa pagiging makabayan ng militante na ininterview sa TV.
Asteeg!!! Patriotic si Juan dela Cruz.
Pero napansin ko bigla ang T-Shirt niyang suot.
May malaking ABERCROMBIE and FITCH na naka-imprenta.
At halatang fake pa at nabili niya lang sa bangketa.
Butata! Putang ina poser na ULOL pa.

Aminin na natin.
May mga bagay na hindi kaya ng bansa nating lutasin.
Minsan ay mangangailangan din tayo ng tulong mula sa mga karatig-bansa.

Ang pagtangkilik sa kultura ng iba ay patunay lamang na nasa modernong panahon na tayo.

Kung may kilala ka man na OFW,
hindi ibig sabihin ay kinalimutan na niya ang Pilipinas.
Hindi ibig sabihin na nawala na sa kanya ang pagiging lahing kayumanggi.

Alam ko sa mga oras na ito,
may mga Pilipinong nag-iisip na sana ay maging sakop na lang tayo ng Estados Unidos.
Para daw hindi na kailangan ng VISA.

Pero hindi tama ang ganoong pag-iisip.
Binigyan tayo ng sarili nating pagkakakilanlan.
80 Milyon ang lahi natin sa mundo ngayon.
Sila ang gawin nating investment.
Ikaw, oo isa sa kanila.

Huwag mo ng hintayin si...


Jejomar OBinay
Chiz EscOBAMA
BARACKni Fernando

dahil hindi sila ang sagot sa problema natin.

Ikaw mismo ang maging instrumento ng pagbabago.
At simulan mo ito sa sarili mo.

Kung may isa man akong hiling sa bansa natin.
Hindi ito pag-unlad.
Ngunit magkaroon sana tayo ng kaisipan at balang-araw ay mapasigaw din tayo ng

"YES WE CAN"

Friday, November 7, 2008

ASTIG ang PINOY



Si Barack Obama ay inihalal bilang kauna-unahang African-American na naging Presidente ng Estados Unidos.


Ang HALALAN ay tumagal lamang ng 48 oras.


Mas mabilis pa kaysa sa LBC ang pagbilang nila ng balota.


Gaano kabilis?


Ganito:


Sina Edward Michael Fincke at Greg Chamitoff ay pawang nasa kalawakan ngayong oras na ito.
Parehas silang Amerikano na nagtratrabaho sa International Space Station.
Pucha! Nasa space man sila, mantakin mo ay nakaboto pa rin sila sa pamamagitan ng digital ballots.


Lupeet noh??


ASTRONAUTS bumoboto para sa ELEKSYON?


Kung humahanga na kayo diyan, daig pa rin iyan ng mga PINOY.


Kasi dito sa Pilipinas...




tuwing halalan...



bumoboto ang mga ...




manananggal (flying voters)


... pati ang mga dati ng patay ay nakakaboto pa rin.


ASTIG noh?


Iba ang PINOY.


Wednesday, November 5, 2008

PBA Best PLAY

PBA is so BORING with CS9.



why?


Three Reasons:


1. Vince Hizon becoming an analyst.
2. Orly Mercado delivering news during HALFTIME.
3. GHOST of Vintage Television Channel picture quality
(kulang na lang eh 'yong logo na letter V na color GOLD)


but thanks to this man...

yeah...

touted as THE MAN with THE MILLION MOVES
(care of my favorite commentator Mico Halili)

...

and PBA fans were told...


"don't worry how I look... just WATCH MY GAME"



...T-Mac hitting 13 points in 37 seconds...
...D-Fish throwing the ball with 4-tenths of a second...



do the MATH


but that THREE BALL by THE KING of PBA is sure GREATNESS.

Tuesday, November 4, 2008

Quote of the Weak




Just because I'm losing
doesn't mean I'm Lost.

-Coldplay

Monday, November 3, 2008

pfft


................

tae

................

Monday, October 27, 2008

This Ad is HUGE!!!



Michael Phelps + Tony Hawk + A-Rodriguez + Kobe Bryant = F****** AWESOME.

Sunday, October 26, 2008

I saw an Angel


There was a melody.
Singing in chorus.
Chanting. Rejoicing.
I looked up the sky.
I saw an angel.
Ecstatic.
Amazed.
I asked if I was dead.
Totally not.
I held her hand.
I couldn't feel a thing.
I was numb.
I was totally numb.
I know it wasn't fair.
It's not contentment.
But it was a consolation.



Monday, October 20, 2008

RUSSIAN Dolls 101

A matryoshka doll, a Babushka doll or a Russian nested doll, is a set of dolls of decreasing sizes placed one inside the other. "Matryoshka" is a derivative of the Russian female first name "Matryona", which is traditionally associated with a fat, robust Russian woman.

Matryoshkas date from 1890, and are said to have been inspired by souvenir dolls from Japan.


Modern artists create many new styles of nesting dolls. Common themes include animal collections, portraits and caricatures of famous politicians, musicians and popular movie stars. Matryoshka dolls that feature communist leaders of Russia became very popular among Russian people in the early 1990s, after the collapse of the Soviet Union. Today, some Russian artists specialize in painting themed matryoshka dolls that feature specific categories of subjects, people or nature.


Tourists who comes to RUSSIA love these dolls as "pasalubong".

But as to how many RUSSIAN DOLLS can you buy with 6.9 Million Pesos, just ask PNP Comptroller Eliseo Dela Paz. He surely can tell you the answer.


Rihanna and Chris Brown LIVE in Manila

Rihanna and Chris Brown LIVE in Manila

Novemer 16, 2008
Bonifacio Global City Open Field


EARLY BIRD PROMO ( Buy TIX until October 31)

PLATINUM PhP 8240.00
GOLD PhP 3090.00
SILVER PhP 1545.00
BRONZE PhP 309


Ticket Pricing from November 1

PLATINUM PhP 10300.00
GOLD PhP 5150.00
SILVER PhP 3090.00
BRONZE Php 618.00


=0000=

Friday, October 17, 2008

May ACCOUNT ka ba sa???



MYSPACE - Trip mo na magpapansin. Feeling mo may talent ka. At feeling mo artista ka. Araw-araw nagdadasal ka na dadami ang page hits mo at matutulad ka kay Colbie Caillat.


FRIENDSTER - Ito ang social networking site ng kaibigan mo, kaaway mo at ultimo siguro ang labandera niyo isama mo pa 'yong ale na nagtitinda ng YAKULT sa kalsada niyo.
Ito ang unang site na binubuksan mo araw-araw sa internet.
Kumbaga sa CELLPHONE, NOKIA ang tingin mo sa site na ito.
Isabay mo pa ang pagdadasal araw-araw na sana ay may bago kang testi(comment) everytime na binubuksan mo ang account mo.HI5 - Wala. Trip mo lang ang magkaroon ng second account at feeling mo sikat ang site na ito. Huwag lang masabi na friendster lang ang site na alam mo.





MULTIPLY - Ito ang site ng mga nagbebenta ng kung anu-ano. Mula tsinelas, brief, jacket, ultimo condom, glutathione at performance enhancing pills, name it and MULTIPLY has it. Ito ang all-in-one site.


Ito rin ang site para sa mga CAMWHORE. Ayaw tanggapin ng friendster ang napakalaking size ng pictue mo kaya nag-upload ka muna sa site na ito.




FACEBOOK - Nabalitaan mo sa kaibigan mo na nagtratrabaho sa MAKATI ang kasikatan ng site na ito. Pang-sosyal daw ang site na ito pero ang totoo, site ito ng mga showbiz na tao. Fan ni ganito, fan ni ganoon. At ng gumawa ka naman ng account, naging fan ka naman ni Kris Aquino at naniwala kang kanyang nga 'yon.



DOWNELINK - Ito ang site ng mga taong naniniwala sa mga adhikain ni JAMBY MADRIGAL. Period.

Thursday, October 16, 2008

Ang LOVELIFE mo ba ay parang SOFTDRINKS?



Anong LOVELIFE meron ka?
Ikumpara mo sa softdrinks.

COKE ZERO - Obviously SINGLE. No SUGAR. Naghahanap ng JOWA at nagdadasal na sana magkaroon kahit 1 time lang.

COKE-In CAN - TAKEN pero sakal na sakal sa relationship. Gusto ng makawala pero nanghihinayang.

COKE SAKTO - TAKEN pero predictable ang relationship. Walang THRILL. Walang adventure. Constant lahat. Walang patutunguhan.

COKE Diet- TAKEN sana pero walang SEX LIFE. haha. Walang kaLembar.

COKE 12 oz. (355 ml.) - TAKEN. Maganda/ Gwapo ang JOWA. TROPHY RELATIONSHIP. Puro pacute ang alam. Ito 'yong masarap dalhin sa mall at i-display and jowa.

COKE 1 Liter - Lovelife ng nagbabalak ng magpamilya o kaya naman ay lumagay na sa tahimik. Medyo serious.

Coke Cherry - Relationship na puro pa-tweetums ang alam. May pet name na nalalaman pero sukdulan naman sa pagiging mahinhindutin and isa.

Ikaw, anong klaseng softdrinks ba ang LOVELIFE mo?

PS. Ang mga comparisons ay pawang kathang-isip lamang. Magpunta sa MENTAL kung may problema ka sa LOVELIFE.

Sunday, October 12, 2008

Imminent

Imbyerna ako sa paraan ng pag-sensationalize ng TV Networks tungkol sa ilang balita.
(Ooppss... Bias ako kasi ABS-CBN lang ang local channel na pinapanood ko)

Yup. Hindi ko gusto ang estilo nila ng pagpapalaki ng balita.

Tulad na lang kanina habang nanonood ako ng ASAP...

Tribute daw for the Music of SAM MILBY?

Ang tanong ko...

MUSIC ICON ba si SAM MILBY para bigyan ng TRIBUTE?

Syet... May pino-promote lang palang concert kaya may ganoong effect. kaboom.

Totoong effective nga sila...
Pero nakakainis...

kaya eto... SUSUNOD... sa THE BUS...

Top 10 Newspaper Entertainment HEADLINES, YEAR 2030

10. Marian Rivera admits she is transvestite

9. Bea Alonzo invades the Big Dome... plans of a repeat concert is imminent

8. Cristy Fermin quits THE BUZZ; plans to join SOCO instead

7. Korina Sanchez on 2-decade engagement with Mar Roxas: Marriage first before SEX

6. LAKAS-CMD endorsed Boy Abunda for 2031 Midterm Elections

5. Jolina Magdangal was inducted to the OPM HALL OF FAME.

4. Wowie de Guzman is pleased about a possibility of a reunion concert of Universal Motion Dancers.

3. After his failed Presidential bid, BAYANI FERNANDO launched his INSTRUCTIONAL DVD of COPA COBANA under GMA RECORDS. Senior Citizens who wish to buy the DVD will get 20% discount.

2. SHARON CUNETA proves to be the TOP ENDORSER OF THE DECADE. Fit N' right plans doing a commercial for the MEGASTAR.

1. MAKISIG MORALES was FIRST EVER HUMAN to be CLONED.