Sunday, May 31, 2009

We are ALL WITNESSES

One Man Show.
MEDIA attention.
Overrated TEAMMATES.

JORDAN-esque comparison






We ARE all WITNESSES...
to the biggest FLOP in BASKETBALL HISTORY.

Sorry folks, but your
DREAM SEASON of 23 vs. 24
won't happen this year.

Better LUCK NEXT YEAR.



It takes FIVE to WIN a TITLE.

Wednesday, May 13, 2009

Ang Pambansang Perfume


Nagkukwentuhan kami ng kaibigan ko tungkol sa pabango na naamoy niya mula sa kasamahan namin sa trabaho. Sabi niya kasi, kaamoy daw ng Davidoff Cool Waters for Women ang scent ng officemate namin at ng tinanong niya kung ito nga ang nsabing pabango na gamit, ang sagot sa kaniya ay "Hindi, BENCH lang iyan." Kaya ayun, ginawa ko, nagpunta ako ng BENCH store para mag-imbestiga kung anong pabango ang may katulad na scent ng Davidoff Cool Waters at siyempre sa Women's perfume ako napadpad.

Habang ginagawa ko ang "scent test" ay napansin ko na 5 out of 10 sa mga inaamoy ko na cologne/perfume ay parang naamoy ko na dati sa mga taong kakilala ko. Tila ba sa bawat bote ng pabango ay may tao na pumapasok sa utak ko. Tumagal pa ng konti ang aking pag-imbestiga ng naisip ko na tama nga ang hinala ko. PUCHA! Iyong ibang cologne ay pabango nga ng mga EX-Gf's ko. Haha. Ang ratio ay One brand of scent is to one EX-GF. siguro, mga 5 bote din ang na-recognize.

Futile ang paghahanap ko sa Davidoff copycat scent. Kaya bago pa ako maging EMO sa loob ng BENCH dahil sa alaala na ibinigay sa akin ng mga amoy nito ay lumabas na ako sabay ang isip na 8 out of 10 Filipinos nga naman siguro ang gumamit, nakagamit, gumagamit ng mga produkto nila. Ito ay aking binibinyagan bilang Pambansang Brand ng Perfume sa Pilipinas. Ang Pambansang Perfume ng High School Students. Haha.

Dumaan tayo lahat sa pagiging High School kaya malamang, sino ba sa inyo ang hindi marunong mag-recognize sa amoy ng Bench colognes? Sino ba ang hindi gumamit nito sa inyo o sino ba sa inyo ang walang kilalang tao na gumamit nito? Mula sa BENCH eight, B20, Aria, hanggang sa Bubble Gum Baby Cologne ay naging paborito na yata ito ng mga classmates niyo noong high school kayo di ba? Baon sa bag kasama ang powder, kahit pawis na pawis galing sa paglalaro ng patintero sa playground eh isang spray lang, mabango ka na ulit sa ilong ng CRUSH mo. Haha.


Economical, Strong scent at higit sa lahat, COOL kapag may baon ka nito lalo na kapag gusto mo na magpapansin sa CRUSH mo. Everyday scent ika nga dahil hindi mo naman kailangang magpabango ng HUGO, POLO, Lacoste sa Mon-Fri sked mo sa school kung katabi at kausap mo lang naman ay ang mga classmates mo na naging hobby na ang magimbestiga ng kuto sa kanilang buhok.

BENCH has been a brand that is very FILIPINO. Hindi man ako binayaran ng BENCH para isulat ito, saludo ako sa taong may mga pakana sa mga produkto nila pati sa PENSHOPPE, HUMAN, OXYGEN at sa lahat ng retailers na binigyan ng awareness ang kabataan sa Proper Hygiene. Good business ang ganito. Iyon nga lang, may kaamoy ka pag lumabas ka ng kalye niyo. But the thing is, its telling us that we don't have to spend too much money just to smell good, feel confident as a teenager.

At ako, feel ko pa rin ang pagiging teenager. Nag-birthday man ako last week, I still consider myself a teen. Iyon nga lang ang age ko, TWENTEEN.

Friday, May 8, 2009

The WEAK Week.

Uh-Oh. Medyo namahinga ako sa pagsusulat dito kaya ngayon, eto at nagbabalik ako. Hmp. Gusto kong magbigay ng kumento sa mga ibat ibang isyu na nangyari nitong mga nakaraang araw.

Mar Roxas - Korina Sanchez Engagement
OMG. Ito na yata ang pinaka-nakakasukang bagay na nakita ko sa TV. Haha. Testament of Love sa WOWOWEE? bullshit. wtf? Obviously, isa lang naman ang ugat ng ginawa nila na iyan - 2010. And what's with the one-liner statement of Korina? "kahapon, ngayon at bukas, iyong-iyo ako." *puke*

Mar Roxas/Manny Villar/Ping Lacson TV ad
Sa totoo lang, dalawa na lang ang pinagpipilian ko for president sa darating na 2010. And that is VP Noli De Castro and Sen. Manny Villar. But honestly, all those bullshit TV ads of our presidentiables are annoying especially the TV ad of Mar Roxas. One word -TRAPO. Kaya hindi na ako magtataka kung talagang may mga taong maniniwala at maghihikayat kay Manny Pacquiao na tumakbo sa kung anuman na posisyon sa gobyerno dahil sa totoo lang, TRAPO ang mga pulitiko natin ngayon.

Manny Pacquiao victory over Rick Hatton
Haha. This is the story of the century. It's hard to argue who is the best boxer of all time but basically, Manny Pacquiao will be on the shortlist. He pounced Thailanders in his early career. He defeated the swine flu-infected boxers of MEXICO in the past. Demolished even the fake Americans (Golden Boy). And now, even GOD can't save the HITMAN from defeat that is why GoD only saved the QUEEN. haha. It was really an awful knockdown. Picture Perfect.

Martin Nievera National Anthem Controversy
I don't see why our congressmen and the national historical institute are making an issue over how Martin sung the National Anthem that they even want to conduct an investigation over what happened. For me, it was a good rendition and it was sung beautifully. There's no issue over how he sung our national anthem because even the Star Spangled Banner has a lot of renditions by different artists and Americans love it.

Isang tanong lang naman iyan. Binago ba ni ni Martin ang lyrics ng Pambansang Awit? Kung hindi, pwes manahimik na sana lahat ng tao. At pangalawa, paano niyo kakasuhan si Martin eh sa US niya kinanta ang pambansang awit. May Jurisdiction ba tayo tungkol sa nangyari eh sa NEVADA niya kinanta ang Pambansang awit sa kung krimen man na matatawag ang kaniyang ginawa.

Ang Pambansang Awit ay tanda ng ating kapayapaan at kasrinlan at ang pagkanta nito ay hindi nababase sa tono o tiempo ng kanta kundi sa paraan ng pagkanta at pagsa-puso ng musika na tanda ng ating lahi.

3 in 1 PLUS ONE

Maraming Salamat Po!!!

It's my BurPdhEIi yesterday.
It was raining the whole time...and I Love it.
Tnx God...

I'm now TWENTEEN Years old.
Actually, my BirthDheii is a testament of how I always cheated dEath every year...
so chEErs people...

and bring out the bOOze.
=)