Wednesday, May 13, 2009

Ang Pambansang Perfume


Nagkukwentuhan kami ng kaibigan ko tungkol sa pabango na naamoy niya mula sa kasamahan namin sa trabaho. Sabi niya kasi, kaamoy daw ng Davidoff Cool Waters for Women ang scent ng officemate namin at ng tinanong niya kung ito nga ang nsabing pabango na gamit, ang sagot sa kaniya ay "Hindi, BENCH lang iyan." Kaya ayun, ginawa ko, nagpunta ako ng BENCH store para mag-imbestiga kung anong pabango ang may katulad na scent ng Davidoff Cool Waters at siyempre sa Women's perfume ako napadpad.

Habang ginagawa ko ang "scent test" ay napansin ko na 5 out of 10 sa mga inaamoy ko na cologne/perfume ay parang naamoy ko na dati sa mga taong kakilala ko. Tila ba sa bawat bote ng pabango ay may tao na pumapasok sa utak ko. Tumagal pa ng konti ang aking pag-imbestiga ng naisip ko na tama nga ang hinala ko. PUCHA! Iyong ibang cologne ay pabango nga ng mga EX-Gf's ko. Haha. Ang ratio ay One brand of scent is to one EX-GF. siguro, mga 5 bote din ang na-recognize.

Futile ang paghahanap ko sa Davidoff copycat scent. Kaya bago pa ako maging EMO sa loob ng BENCH dahil sa alaala na ibinigay sa akin ng mga amoy nito ay lumabas na ako sabay ang isip na 8 out of 10 Filipinos nga naman siguro ang gumamit, nakagamit, gumagamit ng mga produkto nila. Ito ay aking binibinyagan bilang Pambansang Brand ng Perfume sa Pilipinas. Ang Pambansang Perfume ng High School Students. Haha.

Dumaan tayo lahat sa pagiging High School kaya malamang, sino ba sa inyo ang hindi marunong mag-recognize sa amoy ng Bench colognes? Sino ba ang hindi gumamit nito sa inyo o sino ba sa inyo ang walang kilalang tao na gumamit nito? Mula sa BENCH eight, B20, Aria, hanggang sa Bubble Gum Baby Cologne ay naging paborito na yata ito ng mga classmates niyo noong high school kayo di ba? Baon sa bag kasama ang powder, kahit pawis na pawis galing sa paglalaro ng patintero sa playground eh isang spray lang, mabango ka na ulit sa ilong ng CRUSH mo. Haha.


Economical, Strong scent at higit sa lahat, COOL kapag may baon ka nito lalo na kapag gusto mo na magpapansin sa CRUSH mo. Everyday scent ika nga dahil hindi mo naman kailangang magpabango ng HUGO, POLO, Lacoste sa Mon-Fri sked mo sa school kung katabi at kausap mo lang naman ay ang mga classmates mo na naging hobby na ang magimbestiga ng kuto sa kanilang buhok.

BENCH has been a brand that is very FILIPINO. Hindi man ako binayaran ng BENCH para isulat ito, saludo ako sa taong may mga pakana sa mga produkto nila pati sa PENSHOPPE, HUMAN, OXYGEN at sa lahat ng retailers na binigyan ng awareness ang kabataan sa Proper Hygiene. Good business ang ganito. Iyon nga lang, may kaamoy ka pag lumabas ka ng kalye niyo. But the thing is, its telling us that we don't have to spend too much money just to smell good, feel confident as a teenager.

At ako, feel ko pa rin ang pagiging teenager. Nag-birthday man ako last week, I still consider myself a teen. Iyon nga lang ang age ko, TWENTEEN.

No comments: