9/10 ay gagawa ka ng tamang desisyon sa buhay mo. Nakakainis dahil ang probability ay 10% pa rin ang chance na may maling desisyon kang gagawin. Sa madaling salita, maraming beses ka na magtatagumpay pero may isang malaking chance din na papalya ka sa gagawin mo. Isang beses lang iyon. Kung iisipin, lahat ng tao ay fallible. Pero 'iyong isang beses na iyon, un ang pinakamasakit na pagdaraanan mo sa loob ng isang linggo, dalawang linggo, buwan, taon hanggang sa utak mo na ang sumuko at magsabi na tama na, bibigyan na lang kita ulit ng 1000 chances.
Isa sa mga bagay na natutunan kong gawin nitong mga nakaraang linggo ay kung paano makuntento sa mga simpleng bagay. Natuto ako kung paano mangarap ng simple lang. Isa kasi sa naisip ko ay kapag simple lang ang pangarap mo ay mas malaki ang chance na mas magiging masaya ka dahil mas madali mo na maaabot ito.
Sabi ko, as much as possible ay gusto ko na maging unpredictable ang buhay ko. Pero hindi ko naisip na hindi lang pala one way ang mga 'di inaasahang bagay na hinahangad ko. Hindi ko iniisip na magugulat na lang ako at nangyayari na ang mga bagay na ako rin mismo ang may gusto. Binigay sa aking ang pagkakataon na makilala ko ang sarili ko, makita ko ang mga bagay na hinahanap ko ngunit sa dahil sa pagkakataon lang ang mga ito, binawi din agad sa isang iglap. Masakit pero naiintindihan ko lahat dahil alam ko na ipinahiram lang sa akin ang mga pagkakataon na iyon.
Nasaktan ako ng biglang naglaho at binawi ang kasiyahan na ipinahiram sa akin. Parang chess, touch move. Isang maling desisyon lang, at nawala ang lahat. Bumalik sa dati. Pero ang ikinaiinis ko, naipon na ang alaala sa utak ko. Buti sana kung sa oras na nawala lahat at binawi sa akin iyong mga iyon ay ibabalik din ang estado ng pag-iisip ko sa kung ano man ito dati. Pero hindi. binawi lang ito at hinayaan ako na empty handed.
Sa madaling salita, I'm back to ZERO. Ang kaibahan lang, may naipundar na akong alaala kaya medyo masakit ang magsimula. Sanay ako. Sanay ako na iniiwan, sinasaktan. Iniisip ko, I've been there/done that. Ang tanging gagawin ko na lang ay magsimula. Naging karamay ko na ang sarili ko sa matagal na panahon kaya malamang, sa huli, sarili ko din ang tutulong sa akin.

No comments:
Post a Comment