Wednesday, November 26, 2008

UNFAIR ang LAYP

Isa sa mga kadalasan nating ginagawa sa araw-araw na takbo ng buhay ay ang pagsasalita. Pero naituro na naman siguro sa inyo sa High School na ang mga binibigkas o sinusulat nating mga salita ay may ibat ibang lebel o uri. Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga uri na 'iyon ngunit gagawin ko na lang siyang mas simple para sa inyo.

Marami akong napupulot sa panonood ng TV. Ilan dito ay ang mga binibitiwang salita ng mga artista at ibat ibang uri ng tao kaya naisip ko ano nga ba ang mga pinagkaiba ng mga salita na gamit nating mga karaniwang tao sa mga salitang gamit ng mga personalidad.



Sa KARANIWANG TAO na magkarelasyon na naghiwalay:
COOL off / nag-BREAK / SPLIT-up / LQ

Ngunit kay SAM MILBY at ANNE CURTIS:
"We're not exclusively dating anymore"
(oh dava bongga ang lola mesh)



Sa KARANIWANG TAO na may kolores ang kuko:
MANICURE / PEDICURE

Sa mga ARTISTA na may disenyo ang kuko:
"NAIL Art"



Sa EMPLEYADO ng opisina na nagkamali sa trabaho - ang excuse:
"Sorry TANGA lang" / "Sorry TAO lang"


Sa PRESIDENTE ng BANSA na tumawag sa COMELEC official kahit BAWAL - ang excuse:
"lapse in judgment"



Ang tawag ng masa sa iniinom na TUBIG na nasa bote:
"Mineral(water)"

Ang tawag sa BOTTLED WATER ni Kris Aquino at Boy Abunda:
"Alkaline Water"



Ang tawag sa bisyo ng mga adik sa kanto:
sumisinghot / nag-aadik / tumitira

Ang tawag sa bisyo ni TIM YAP at Borgy Manotoc:
"snorting coke"



Ang tawag sa pagpatay umano ng MILITAR sa miyembro ng NPA at mga AKTIBISTA ( magkaiba sila):
"extra judicial killings / human rights violation"

Ang tawag sa mga MILITAR na pinapatay ng NPA:
"actually wala... walang gustong itawag sa kanila... normal lang daw"



Ang tawag sa tao na wala na sa katinuan ang pag-iisip:
"baliw / may toyo / kulang-kulang"

Ang dahilan ng artista na gustong makipaghiwalay sa asawa pagdating sa husgado:
"psychologically incapacitated"



Ang dahilan ng isang pobre na nagnakaw kapag nahuli:
"Sir, may sakit po kasi ang lola/nanay ko"
Ang dahilan ng GOVERNMENT OFFICIAL na nangurakot:
"just another day at the office"