Wednesday, November 19, 2008

Ang Alamat ng Letter "U" na may Dalawang Tuldok sa Taas

Matagal na akong nababagabag tungkol sa hiwaga ng simbolong ito. Kaya ng magkaroon ako ng oras, ako ay gumawa na ng paraan para ma-resolve ang isang misteryong matagal ko ng gustong malaman.

Huwag kayong mag-alala. Wala itong halong pagiging anti-Christ at walang kinalaman si Dan Brown sa aking ekspiremento.

Ang aking problema: Saan nga ba nagmula ang letter "U" na may dalawang tuldok sa taas. At bakit hibang na hibang ang napakaraming pinoy sa paggamit nito?

Symbol:
Ü

Ang SAGOT:

Alam ko na dati na kasama ito sa German Alphabet. Ngunit kasama rin pala ito sa serye ng mga extended LATIN Alphabet. At hindi lamang mga kalahi ni Dirk Nowitzi ang tumatangkilik sa karakter na ito. Ang tawag sa dalawang tuldok ay umlaut o isang diacritic. Ang sabi ko ay DIACRITIC hindi DIARRHEA. Una siyang ipinakilala sa mga pinoy sa pamamagitan ng NOKIA cellphones. Siya ung pang-walong character na makikita pag pinindot mo ang number 8 pag nagtetext ka sa mga friends mo. At siyempre, sumikat ang karakter niya dahil siya ang pumalit sa usual na smiley na happy face :-)

Malayo na rin ang narating niya sa buhay mula sa pagiging character sa fone. Lumabas na siya sa TV show ni Mariel Rodriguez at kasama na siya sa favorite expression ng mga Pinoy ngayon - ang über
Ngunit hindi puro kagandahan ang dulot ng karakter niya. Minsan, nagiging excuse na siya pag tinatamad ang katext mo or wala na siyang masabi sau. At ang malubha dito, hindi mo alam kung ano ang irereply mo sa katext mo kapag siya ang sinend sau. Magrereply ka ba ng isa pang Ü or hindi ka na lang magrereply?

Kung nanliligaw ka at katext mo ang nililigawan mo at 'yan ang ni-reply nya sa text mo, malamang ay boring ka ng katext at wala kang saysay kausap. Hindi ka good communicator at wala na rin siya masabi. Kaya iwasan siya minsan at mag-isip lagi ng topic.


Conclusion:

Sana ay nakatulong ako sa ilan din nating kababayan na nagtaka tulad ko kung saan galing at ano ang kahulugan ng letrang ito. Maraming salamat at hanggang sa muli.

No comments: