Tuesday, November 11, 2008

The OBAMA Fever


Tapos na ang eleksyon sa US.
May inihalal na silang pangulo.
Pero hindi pa tapos ang OBAMA fever.

Nariyan ang mga videos niya sa YOUTUBE na sumasayaw.
Ang debate tungkol sa aso na isasama sa White house.
At ultimo ang fashion statement ng kanyang asawa ay pinag-uusapan pa rin ngayon.

Hindi ako big fan ni OBAMA.
Pero aminin na natin mga PINOY.
Malaki ang impluwensiya ng bansa nila sa kultura natin.
Colonial Mentality ba tawag 'don?
Whatever YaYa!!!

Minsan may napanood ako sa TV tungkol sa isang rally.
Grupo ng mga tao na tutol sa VFA.
Kausap ng reporter ang isa sa mga lider ng militanteng grupo.

Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino, giit ng militante.
Alalahanin natin ang pagtatanggol na ginawa ng ating mga bayani.
Huwag nating hayaan na mapasok tayo ng mga kano.
Itaboy natin sila palayo sa ating bansa.
Ilan lang 'yan sa mga kataga na binitwan ng lider ng militante.
Para bang sukang suka siya sa mga Amerikano.
Hanga na sana ako sa pagiging makabayan ng militante na ininterview sa TV.
Asteeg!!! Patriotic si Juan dela Cruz.
Pero napansin ko bigla ang T-Shirt niyang suot.
May malaking ABERCROMBIE and FITCH na naka-imprenta.
At halatang fake pa at nabili niya lang sa bangketa.
Butata! Putang ina poser na ULOL pa.

Aminin na natin.
May mga bagay na hindi kaya ng bansa nating lutasin.
Minsan ay mangangailangan din tayo ng tulong mula sa mga karatig-bansa.

Ang pagtangkilik sa kultura ng iba ay patunay lamang na nasa modernong panahon na tayo.

Kung may kilala ka man na OFW,
hindi ibig sabihin ay kinalimutan na niya ang Pilipinas.
Hindi ibig sabihin na nawala na sa kanya ang pagiging lahing kayumanggi.

Alam ko sa mga oras na ito,
may mga Pilipinong nag-iisip na sana ay maging sakop na lang tayo ng Estados Unidos.
Para daw hindi na kailangan ng VISA.

Pero hindi tama ang ganoong pag-iisip.
Binigyan tayo ng sarili nating pagkakakilanlan.
80 Milyon ang lahi natin sa mundo ngayon.
Sila ang gawin nating investment.
Ikaw, oo isa sa kanila.

Huwag mo ng hintayin si...


Jejomar OBinay
Chiz EscOBAMA
BARACKni Fernando

dahil hindi sila ang sagot sa problema natin.

Ikaw mismo ang maging instrumento ng pagbabago.
At simulan mo ito sa sarili mo.

Kung may isa man akong hiling sa bansa natin.
Hindi ito pag-unlad.
Ngunit magkaroon sana tayo ng kaisipan at balang-araw ay mapasigaw din tayo ng

"YES WE CAN"

No comments: