Friday, November 7, 2008

ASTIG ang PINOY



Si Barack Obama ay inihalal bilang kauna-unahang African-American na naging Presidente ng Estados Unidos.


Ang HALALAN ay tumagal lamang ng 48 oras.


Mas mabilis pa kaysa sa LBC ang pagbilang nila ng balota.


Gaano kabilis?


Ganito:


Sina Edward Michael Fincke at Greg Chamitoff ay pawang nasa kalawakan ngayong oras na ito.
Parehas silang Amerikano na nagtratrabaho sa International Space Station.
Pucha! Nasa space man sila, mantakin mo ay nakaboto pa rin sila sa pamamagitan ng digital ballots.


Lupeet noh??


ASTRONAUTS bumoboto para sa ELEKSYON?


Kung humahanga na kayo diyan, daig pa rin iyan ng mga PINOY.


Kasi dito sa Pilipinas...




tuwing halalan...



bumoboto ang mga ...




manananggal (flying voters)


... pati ang mga dati ng patay ay nakakaboto pa rin.


ASTIG noh?


Iba ang PINOY.


No comments: