Showing posts with label Ateneo de Manila University. Show all posts
Showing posts with label Ateneo de Manila University. Show all posts

Sunday, January 11, 2009

The ATENEO Immersion SCANDAL


Nakapanlulumo ang diary ng isang ATENISTA na ito. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng pagiging UAAP Champion nila at naging utak bola ang kanyang kaisipan o dahil epekto lang ito ng sobrang traffic sa KATIPUNAN. Whatever!

Hindi ko gustong husgahan ang tao na may-akda ng mga imahe sa ibaba. Isa lamang siyang tao na nilamon ng materyal na bagay ang kaisipan. Nilamon ng modernisasyon ang kamalayan ang ipinanganak ng dalawang asong ulol.

Noong bata pa ako ay mayroon kaming kasambahay na isang aeta na tumagal din ng maraming taon hanggang umalis na lang siya ng lumaki na kami. Ni minsan ay hindi ko inisip na iba ang kanilang uri at humahanga pa nga ako dahil lagi silang bida sa SIBIKA at KULTURA na subject ko sa school.

Basahin niyo na lang ang kwento ng isang ATENISTA sa baba nito. Kayo na ang humusga.




Wala akong karapatan na kwestiyonin ang turo ng eskwelahan nila o ng kahit sino pang santo. Pero higit na nakapanlulumo sa kwento ay ang klase ng pag-asal na ipinakita ng kanyang mga magulang. Ikakahiya ko siguro kung ganyan na klase ang mga magulang ko.

Sa mga pagkakataon na ito naiisip ko kung gaano ako ka-swerte na isang nilalang ng Diyos. Una, dahil mayroon akong wisdom. Pangalawa, dahil nabuksan ko ang aking kamalayan sa realidad ng buhay. Isang bagay na hindi matutumbasan ng isang bote ng perfume o isang dosena ng LV bags.


Monday, September 22, 2008

Anong meron kay Chris Tiu?

Kung mahilig kang manood ng UAAP,
Nag-aaral ka man o hindi sa kahit anong UAAP-member school,
o tulad ko lang ikaw na mahilig lang talagang manood ng basketball sa TV,
malamang ay kilala mo na at napanood mo ng maglaro si Chris Tiu.



Siya ung S-Guard ng ATENEO de Manila University.
Sa lahat na yata ng forms of media ay naroon ang mukha niya.


UAAP Games, Product endorsements,
TV shows, Billboard sa kalye, dyaryo,
pambalot ng kung anu-ano,...



just everything...



Pero hindi diyan nagtatapos ang lahat...


Hindi lang mukha niya ang sumisikat ngayon,
kundi ang literal na mismong pangalan niya.
Na ginawan na ng ibat ibang subjects of punning.


Mula sa monicker niya na TIUNAMI,
ibat ibang bansag na, text jokes
at kung anu-ano pa ang may konek sa pangalan niya.


Halimbawa,


Kung isa ka raw sa tagahanga niya -
malamang ay miyembro ka ng kaniyang relihiyon.


Ang IGLESIA ni CHRIS TIU.
(na-gets niyo naman siguro ang joke db?)


o kaya ay CHRISTIUNS na miyembro ng CHRISTIUNITY.


Isa pa...


Kaya daw asintado siya sa THREE POINTS ay dahil sa kanyang
RUBBER TIUS...


Kapatid daw niya si PIKA-TIU...


Ang araw ng practice daw niya para sa basketball ay TIU's Day...


At kung ikaw ay isang La Sallista,
marahil ay may iba kang gamit sa pangalan niya.
(hindi ko na babanggitin dahil bastos...bitter!!!)



Isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito...
hindi pa man siya pumapasok sa PBA...
matatawag na natin siyang isang SIKAT.





Ngayon pa nga lang,
marami na ang nagsasabi na siya ang sunod na
RenRen Ritualo dahil sa kanyang ARSENAL.


Pero hindi ganon kasikat si Ritualo.
Siguro nga ay mas sikat pa siya kay Ritualo ngayon.


Pero kung ako ang tatanungin,
kung sino ang perpektong maihalintulad sa kaniya...

Isa lang ang BASKETBALL PLAYER
na matatawag na COMPLETE PACKAGE.

GWAPO, may CHARISMA, may BASKETBALL I.Q.,
...as in parang CENTRUM...

walang iba.. kundi si
CAPTAIN LIONHEART...IDOL

ALVIN PATRIMONIO.


Pero alam ko sasabihin niyo na siya ay si Chris Tiu.

May sariling Legacy, may sariling pangalan.

Pero saan man sana mapadpad ang kanyang karera,

sana ay isabuhay niya ang mentalidad na meron kay KAP,

malinis maglaro... hindi pikon... at higit sa lahat...

tumatanaw ng utang na loob sa Diyos at sa FANS.

(salamat kay PM Romero, JV Nunag sa walang pahintulot na paggamit ko ng pictures)