Wednesday, July 8, 2009

Hindi Ka Kawalan

Hindi ko kailangan ng GIRLFRIEND.
Kailangan ko lang pala ng tao na gagawa ng maliliit na bagay sa mundo para maging masaya ako. Gusto kong maging almusal sa umaga ang text niya na "Good Morning" at maging energy booster ang salita niya na "Have a Nice Day".

Hindi ko Kailangang ng GIRLFRIEND.
Kailangan ko lang ng tao na nasa tabi ko kapag gusto kong umiyak at haplos pa lang ng malambot niyang kamay ay kakalma na ang pag-iisip ko.

Hindi ko Kailangan ng GIRLFRIEND.
Kailangan ko lang ng tao na ipaparamdam sa akin na mahalaga ako. Na sa kabila ng nakakapagod na araw ay sasalubong sa akin ay yakap niya na papawi sa lahat ng pawis at paghihirap ko sa buhay.

Hindi ko Kailangan ng GIRLFRIEND.
Kailangan ko lang ng tao na marunong umintindi. Bigla akong hahalikan kahit walang dahilan. At ngiti niya ang magiging baon sa pagharap ko sa lahat ng pagsubok sa buhay.

Hindi ko Kailangan ng GIRLFRIEND.
Kailangan ko lang ng tao na kukumpleto sa araw ko. Kailangan ko lang na may kasama ako sa buhay dahil sawa na ako na palaging mag-isa. KAilang ko ng karamay. Kailangan ko ng kakampi. Hindi GIRLFRIEND kundi kaibigan. Kailangan ko ng tao na magmamahal sa akin hindi dahil responsibilidad ang magmahal ngunit dahil isa itong pangangailangan.


No comments: