Saturday, December 27, 2008

Tamad Na Pasko

***++Kuya Kim Mode++***


Sa BICOL ako nag-celebrate ng Christmas.
Ang PASKO pala dito ay maalat.
Lahat kasi ng POLITIKO,
laging sinasabi sa TV na
"Maogmang pasko ASIN Manigong Bagong Taon"

haha... joke...


Marami sana ako gustong isulat tungkol sa aking experiences nitong mga nakaraang araw pero inatake na naman ako ng katamaran. Anyways, masaya naman ang naging pasko ko pero mas excited yata ako sa pagpasok ng bagong taon. Medyo hindi umayon sa aking kapalaran ang 2008 kaya sana naman ay maging maganda ang pagpasok ng 2009. I'm turning 20 next year. Hindi ko pa naiisip ang New Year's Resolution ko dahil alam kong hindi ko naman ito matutupad. Ika nga, I just go with the flow.

Huli man ang aking greetings, Maligayang Pasko pa rin sa ating lahat at sana ang diwa ng Pasko ay magpatuloy sa ating mga puso sa mga susunod na araw at hindi ngayong bakasyon lamang. Have a prosperous New Year na rin.

Monday, December 15, 2008

December 12 is PUTANG INA Day

Fast Forward 2010

President Mar Roxas signed Executive Order Number 1 declaring every DECEMBER 12 as PUTANG INA DAY to commemorate his historic one-liner statement at the Anti ChaCha rally in Makati City..




Chomorva ka na naman sister... may pa-P.I. - P.I. ka pa ngayon eh dati rati Imbyerna lang at etchoserang frog ang kaya mong i-say...

Mr. Palengke ka nga.

Lurky ako sa'yo.



Friday, December 5, 2008

Christmas WishList

Haha. Gumawa ako ng wishlist last year at naisip ko na 3 lang sa 12 ko na binanggit ang natupad. Not bad di ba? Kaya ito, dahil nauuso yata sa ibat ibang blogs ang paggawa ng Wishlist para sa pasko, gagawa ulit ko for this coming Christmas.

Hindi naman ako mahilig sa regalo. Sanay ako na hindi nakakatanggap ng regalo tuwing sasapit ang pasko. OK na sa akin ang bagong polo shirt na bigay ng nanay ko tuwing December.

Kaya eto na.

#5 MTRCB Movie Pass

Kasama rin ito sa listahan ko last year at gusto ko pa rin siya isama ngayon. Haha. Gusto ko sana mapanood ang lahat ng pelikula na gusto kong panoorin sa susunod na taon. Kaya nakikiusap na ako kay chairman Laguardia. Baka naman may passes ka diyan. Penge. Haha.

#4 ONE YEAR SUPPPLY of CHARANTIA CAPSULE


Masaklap pero mukhang kailangan ko nga yata talaga alagaan ang katawan ko. Matagal na ako nagdududa na may Diabetes ako pero tinatamad ako magpa-check ng Blood-Sugar Level at the same time ay medyo kinakabahan din ako. Pero hindi naman yata masama ang mayroon kang maintenance capsule di ba? Kaysa naman lumala pa at magkatotoo ang hinihinala ko.

#3 PC FORMAT OF EA's NBA LIVE '09

Too bad dahil hindi nag-release ang EA SPORTS ng NBA Live 09 sa PC format nila. Pero sa tingin ko naman ay hindi pa late para maayos nila at pwede pa naman siguro sila humabol. I'm really missing the excitement of playing a new version of NBA Live every year. SANA.

#2 A New MP3 Player

Given na ito. Ibinili na ng dad ko for the past 2 years ang dalawa kong kapatid ng MP3 player. Actually, 3 na lahat nabili niya. Pero ako, never pa. But because he's coming home this Christmas for us, natext na niya ako na nakabili na siya for me - a SONY 8 GB Walkman. I'm just not sure of the model but I want the NWZS version. I don't know pero mula yata noon pa ay mahilig na siya sa SONY items.

#1 BAGONG Girlfriend - Si DIANA

Ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog ng mahimbing mula ng masilayan ko ang kaniyang mga mata. ANg kanyang labi at postura ay talagang nakakabighani. Kaya wala talaga akong ibang gusto ngayong pasko kundi ang mahawakan ko siya at makapiling habambuhay.

Ito talaga ang gusto ngayong pasko - si DIANA. At nagdadasal na ako na sana ay magkatotoo.

Wednesday, December 3, 2008

Now Showing

Gumuhong World Trade Center.
San Francisco Bridge na naputol.
White House na inatake ng mga aliens.
Naglahong populasyon dahil sa isang virus.
Monster na umatake sa New York.
Higanteng Lizard na nangwasak ng mga buildings.
Higanteng Unggoy na umakyat sa Empire State Building.


Ang mga nabanggit ko sa itaas ay hindi plot ng isang panibagong terrorist attack matapos ang nangyari sa Mumbai. Ngunit ang mga iyan ay ilang eksena sa pelikula na gawa ng mga American Filmmakers.

Ano pa nga bang Historical sites sa bansa nila ang hindi pa nawawasak sa kanilang mga pelikula?

I mean, gustong gusto nilang pasabugin ang mga lugar sa bansa nila. Gustong-gusto nila na maghasik ng lagim sa mga pelikula.

Ngunit kapag nagkatotoo tulad ng nangyari sa World Trade Center, sisihan sa gobyerno, iyakan ng walang katapusan at sa huli - siyempre ay ang gustong gusto ng lahat - BENEFIT CONCERT.

Hahaha. Iyon yata ang pinakamasayang pangyayari matapos ang trahedya. Ang BENEFIT CONCERT. Isa na yatang tradisyon ang pagdadaos ng BENEFIT CONCERT matapos ang trahedya sa bansa nila. Iyan ang panahon kung saan bigla mong naramdaman na may karamay ka sa gitna ng trahedyang pinagdadaanan mo. hindi ka nag-iisa. Kaisa mo ang lahi mo at ang buong mundo.


Naisip ko ay buti na lang ay hindi pa ito nangyayari sa sarili nating bansa. Hmp. Ano kaya kung may mag-isip din na bombahin ang Rizal Park? Meron din kayang mga taong magdadalamhati kung pasabugin nila ang estatwa ni Rizal - ang ating pambansang bayani? O baka matuwa pa ang iba at mawawala na ang lahat ng nagra-rugby sa lugar? At may hihirit pa na sana isunod na ang Malakanyang para mawala na si Gloria.


Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa ating mga Pilipino kung sakali man na tayo ay atakehin ng mga terorista. Ngunit sa totoo lang, ayaw ko ng malaman pa ang sagot sa mga tanong ko na iyan. Mabuti na sigurong aminin na lang natin na baluktot ang pagkakaisa nating mga pinoy kaysa naman maipit pa tayo sa isang sitwasyon na hahamon sa ating lahi.

Para sa akin, maswerte pa rin tayo sa kalayaan at seguridad na natatamasa ng ating bansa, kumpara sa THAILAND, INDIA, HAITI sa mga nagdaang araw. Isama mo pa ang dekada ng gulo sa SOMALIA na naging pelikula na rin. Maswerte pa rin ako dahil may LRT at MRT pa akong nasasakyan upang umiwas sa TRAFFIC sa EDSA at TAFT avenue. Maswerte pa tayo dahil kahit isang beses sa isang buwan ay nakakapamasyal tayo sa loob ng mall na walang bayad ang pagpalamig sa Air-Con. Maswerte pa rin tayo na kahit mabagal ang takbo ng hustisya ay umuusad pa rin ito sa ating bansa. Maswerte pa rin tayo na kahit sangkatutak ang tiwaling opisyal sa ating gobyerno ay naiisipan pa rin nilang magpagawa ng mga kalsada, tulay at mga eskwelahan kahit isang beses sa siyam na taon nilang panunungkulan. Maswerte pa rin tayo dahil kahit may mga pari tayong nakakabuntis, bakla, terorista ay napupuno pa rin ang simbahan tuwing linggo at hindi pa naglalaho ang ating pananalig sa Diyos.

Alam ko na marami sa atin ang naghahangad pa rin ng pag-unlad o ikaangat sa buhay. Ngunit hindi ito nakukuha sa isang iglap kahit sampung beses man tayo magpalit ng pangulo mula ngayon hanggang 2010. Hindi assurance ang CHA CHA ng pagbabago. Hindi tayo yayaman kung ma-impeach man ang PRESIDENTE. At lalong hindi tayo uunlad kahit makapasok ang PLONING sa OSCARS.

Habang nagkakagulo sa Mumbai noong isang linggo at naka full alert ang Militar natin dito sa Pilipinas, ang balita sa TV PATROL ay kung totoo ang usap-usapan na magkakabalikan si Dingdong at Karylle. At kung sino ang partisipante ng Pinoy Fear Factor ang susuko sa hamon ng mga ahas. Marami nga sigurong mas importanteng bagay kaysa sa ating seguridad at sanay na siguro tayong maging manhid sa kabila ng takot na pwedeng mangyari ang mga kaguluhan na nagaganap sa ibang bansa at malipat ito sa sarili nating bayan.

Kung kayo ay kuntento na sa buhay niyo ngayon, sana ay hindi magbago ang sweldo niyo sa inyong trabaho. Kung kayo ay patuloy na naghahanap ng pagbabago sa lipunan, sige at baka madaan pa natin iyan sa konti pang tulog. Kung kayo ay sawang sawa na sa pagiging Pilipino, may mga bundok sa Africa ang hindi pa natitirhan ng tao.

Kanya-kanyang diskarte nga lang siguro iyan. Kanya-kaniyang oras ang darating para sa nararapat na bagay. Kanya-kanyang pagsubok na hahamon. Ngunit sa huli, kanya-kanya din ang pagtindig para makabangon kahit pa mahila ulit natin pababa ang una ng tao na nakatayo.