Thursday, October 2, 2008

Photofunia

Dahil sa INTERNET, naging busy ako nitong mga nakaraang araw.
Marami akong pinuntahan.

Ako ang itinuturing na magiging dahilan sa napipintong paghihiwalay nina BRANGELINA.

Ako ang bagong kinalolokohan ni Paris Hilton.
Nangako siya na isasama niya ako sa susunod niyang pelikula a la House of Wax.

Magaling man sa football ang asawa ni Victoria, mas magaling naman akong kumanta ng STOP.

Galing din ako ng Russia. Binisita ko ang aking mga comrades.

Lahat ng iyan ay dahil dito.


No comments: