Sunday, September 28, 2008

Bakit may Baha?

Lately, baha sa Metro Manila dahil sa ulan at bagyo.
Malapit na kasi X'mas kaya madalas na ang pag-ulan.
Pero ang pinakanakakainis eh 'yong
wala namang ulan,
wala namang bagyo,
pero baha ang buong kalsada.


Ito 'yong mgadahil sa mga tagas
na gawa noong mga inayos na pipelines
ay iyong mga binungkal na daluyan ng tubig.




Hindi ko alam kung sinong may pakana ng mga inaayos daw na mga daluyan ng tubig.
Maynilad, MMDA o Cith Hall?
Pero kung sino man na Ponsyo Pilato
ang may pakana eh sana naman ayusin niyo na habanag maaga pa.

Galing na tayo sa
Rice Shortage,
Food Shortage
Energy Shortage
kaya 'wag niyo ng hintayin na magkaroon tayo
ng Water Shortage.

BABALA:

Iwasan at baka matrapik kayo sa Taft Avenue partikular sa Vito Cruz.
Baha sa lugar na nabanggit.
Hindi dahil sa ulan,
hindi dahil sa bagyo,
kundi baha dahil sa mga luha na umapaw nitong nakaraang linggo.

Wednesday, September 24, 2008

Max Payne

Pasakay ako ng LRT kanina...
ng bigla akong may nakitang billboard...
sa TAFT AVENUE


MAX PAYNE
OCTOBER 17.


Halos 1 dekada na ang hinintay ko para lamang gawin nila itong pelikula.
Natapos ko na ang video game nito.
Max Payne at Max Payne: The Fall of Max Payne

Oks na oks ang trailer.
Panoorin niyo DITO.

Okay din ang cast.
Si Mark Wahlberg ang gaganap bilang New York's fugitive undercover cop.
At ang sexy na si Mona ay gaganapan ni Mila Kunis.
Hindi na talaga ako makapaghintay. Ayos 'to.

Monday, September 22, 2008

Anong meron kay Chris Tiu?

Kung mahilig kang manood ng UAAP,
Nag-aaral ka man o hindi sa kahit anong UAAP-member school,
o tulad ko lang ikaw na mahilig lang talagang manood ng basketball sa TV,
malamang ay kilala mo na at napanood mo ng maglaro si Chris Tiu.



Siya ung S-Guard ng ATENEO de Manila University.
Sa lahat na yata ng forms of media ay naroon ang mukha niya.


UAAP Games, Product endorsements,
TV shows, Billboard sa kalye, dyaryo,
pambalot ng kung anu-ano,...



just everything...



Pero hindi diyan nagtatapos ang lahat...


Hindi lang mukha niya ang sumisikat ngayon,
kundi ang literal na mismong pangalan niya.
Na ginawan na ng ibat ibang subjects of punning.


Mula sa monicker niya na TIUNAMI,
ibat ibang bansag na, text jokes
at kung anu-ano pa ang may konek sa pangalan niya.


Halimbawa,


Kung isa ka raw sa tagahanga niya -
malamang ay miyembro ka ng kaniyang relihiyon.


Ang IGLESIA ni CHRIS TIU.
(na-gets niyo naman siguro ang joke db?)


o kaya ay CHRISTIUNS na miyembro ng CHRISTIUNITY.


Isa pa...


Kaya daw asintado siya sa THREE POINTS ay dahil sa kanyang
RUBBER TIUS...


Kapatid daw niya si PIKA-TIU...


Ang araw ng practice daw niya para sa basketball ay TIU's Day...


At kung ikaw ay isang La Sallista,
marahil ay may iba kang gamit sa pangalan niya.
(hindi ko na babanggitin dahil bastos...bitter!!!)



Isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito...
hindi pa man siya pumapasok sa PBA...
matatawag na natin siyang isang SIKAT.





Ngayon pa nga lang,
marami na ang nagsasabi na siya ang sunod na
RenRen Ritualo dahil sa kanyang ARSENAL.


Pero hindi ganon kasikat si Ritualo.
Siguro nga ay mas sikat pa siya kay Ritualo ngayon.


Pero kung ako ang tatanungin,
kung sino ang perpektong maihalintulad sa kaniya...

Isa lang ang BASKETBALL PLAYER
na matatawag na COMPLETE PACKAGE.

GWAPO, may CHARISMA, may BASKETBALL I.Q.,
...as in parang CENTRUM...

walang iba.. kundi si
CAPTAIN LIONHEART...IDOL

ALVIN PATRIMONIO.


Pero alam ko sasabihin niyo na siya ay si Chris Tiu.

May sariling Legacy, may sariling pangalan.

Pero saan man sana mapadpad ang kanyang karera,

sana ay isabuhay niya ang mentalidad na meron kay KAP,

malinis maglaro... hindi pikon... at higit sa lahat...

tumatanaw ng utang na loob sa Diyos at sa FANS.

(salamat kay PM Romero, JV Nunag sa walang pahintulot na paggamit ko ng pictures)


Martial Law

Kahapon ay ginunita natin ang ika-32 anibersaryo ng Batas Militar mula ng ipatupad ito ni Ferdinand Marcos.

Marami ng buhay ang naibuwis.
Marami ng nagbago mula noong ipatupad ito.
Marami na ring takot na maipatupad itong muli.

Kaya ngayon, gusto kong i-share sa inyo ang isang tula na naging instrumento kung paano kayang maisihan ni PAGONG ang isang KUNEHO. Nailathala ang tulang ito sa FOCUS Magazine noong kasagsagan ng Batas Militar.

Prometheus Unbound


Mars shall glow tonight
Artemis is out of sight.
Rust in the twilight sky
Colors a bloodshot eye,
Or shall I say that dust

Sunders the sleep of the just?




Hold fast to the gift of fire!
I am rage! I am wrath! I am ire!
The vulture sits on my rock,
Licks at the chains that mock
Emancipation's breath,
Reeks of death, death, death.

Death shall not unclench me.
I am earth, wind and sea!
Kisses bestow on the brave
That defy the damp of the grave.
And strike the chill hand of
Death, with the flaming sword of love.
Orion stirs. The vulture
Retreats from the hard, pure



Thrusts of the spark that burn,
Unbounds, departs, returns
To pluck out of deaths fist
A god who dared to resist.

-Ruben Cuevas

Hindi man ako nabuhay noong panahon na nailathala ang tulang ito, batid ko naman ang gusto niyang ipahayag. Lalo na ang bawat unang letrang nagpasimula ng apoy sa damdamin ng aking mga kababayan sa panahon na nasasadlak tayo sa kadiliman.

Saturday, September 13, 2008

I am Ninoy

I am a hero.

I do what I believe is right.
I do what I believe is good.

I fight for justice.

I fight for freedom.


I am a hero.


In a big way, in a small way.

In my only way.

I am a hero.

I am Ninoy.

Streets Of Manila



Lahat ng kalye sa Maynila ay may pangalan...
kalsada man o distrito.
Ang mga pangalang ito ay lahat may pinagmulan.
kung kaninong tao...
anong kwento...
lahat dito ay may ALAMAT...




Tulad ng TAFT AVENUE.
Ipinangalan siya sa dating presidente ng US na si
William Howard Taft.
Nagsilbi si Taft na Civil Governor at
naging susi sa pagbibigay ng kalayaan
sa ating bansa sa panahon ng mga Amerikano.




May mga kalsada ring ipinangalan sa tao.
Padre Faura - Fr. Federico Faura (meteorologist)
Escoda - Josefa Llanes Escoda (ung nasa 1000)
T.M. Kalaw - Teodoro M. Kalaw Sr. (director of Nat'l Library)
Pedro Gil - (member of the independence mission)

Meron ding mga kalsadang hango ang pangalan sa buhay ni Dr. Jose Rizal.

Ito ay 'yung mga streets na makikita sa Sampaloc.

BLUMENTRITT. Laong Laan, Maria Clara, Sisa St. , Basilio St.,

marami pa sila.

Meron din mga kalsadang nagkaroon ng makeover throgh the years.

Tulad ng Roxas Blvd na kilala natin ngayon.

Bago siya naging Roxas Blvd., Dewey Blvd muna ang tawag sa kaniya.

At bago pa siya nakilala bilang Dewey Blvd., Harrison Blvd pa ang pinakaunang pangalan ng kalyeng nag-uumpisa sa Pasay at kung saan matatanaw ang Manila Bay.



Pero iisa lang ang pinakasikat na street...

at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung siya ba ay Intsik, Hapones...

o kung ano man ang naitulong niya sa Pilipinas...

para bigyan siya ng ganitong klaseng pagpupugay...

Napakaraming kalsada ang ipinangalan sa kanya...


Siya ay walang iba kundi... Si...


Ped Xing... short for pedestrian crossing...

(siguro, malaki ang utang na loob natin kay Ped xing... baka siya ang founder ng ZTE)

In Memory Of...



"Ako ay nagbalik mula sa mahabang pagkakahimlay...
at sa dakong paroon ay babalikan ko ang mga sipi...
ng ating lipunan upang aking ibahagi...
gamit ang tinta ng nakaraan at saklaw ng damdamin"





Magandang Araw

Dito ko ibabahagi ang aking mga natuklasan...

obserbasyon at opinyon...

tungkol sa mga bagay-bagay na aking nakikita sa paligid...

Sana'y magsilbing larawan ang nakaraan...

upang tayo'y may magandang makamtan sa ating hinaharap...





Kwento ito ng mga kabayanihan...
na sa kabila ng problema ay nakakahinga tayo ng maluwag...

Paghaluin ang mga masasaya at malulungkot na bagay...
at sana'y matuto at kapulutan ng aral...



Thursday, September 11, 2008

Unang Salpak

iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii

000011245785231564
2358213897454512121
5156489789745123981
5456487486451518751
2125648748451212155
3265656+5656232656


WELCOME!!!


000011245785231564
2358213897454512121
5156489789745123981
5456487486451518751
2125648748451212155
3265656+5656232656

iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii