Thursday, January 8, 2009

Of Fulfillment

Kahapon ay nagpunta ako ng Quiapo Church.
Marami akong pinasalamatan.
Marami rin akong hiniling.

Isang araw ang lumipas,
halos lahat ng hiniling ko sa Nazareno ay natupad lahat.

Hindi naman ako deboto.
Hindi rin ako mahilig magsimba.

Pero ika nga ni Kuya Kim,
ngayong araw ay nagbago ang tingin ko sa mundo.

Ito na siguro ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

May pinuntahan ako kanina.
Sa una, blangko ang utak ko.
Ngunit ng lumaon, naisip ko
Ito ang araw na kailangang may mapatunayan ako sa sarili ko.

May mga nakilala ako.
Ngunit lahat kami,
ay parang mga daga na nag-uunahan sa isang karera.

Lumipas ang mga oras,
isa isang nagtumbahan ang iba.

Natapos ang araw,
umuwi ako kasabay ang isang damdamin na hindi ko maipaliwanag.

Naranasan ko ang tila ba kagalakan na wala kang masabihan kundi ang sarili mo.
Nasulit ang pagod ko buong araw.
Naubos ang laman ng baterya ko.
Pero sa pag-uwi kong iyon,
baon ko ang isang pag-asa
na ako ngayon ay isang lehitimong mamamayan na ng bansa natin.

Salamat.
Sa Poon.
Sa hirap.
Sa pag-asa.
Sa pagsubok.
Sa pagbagsak.
at sa muli kong pagbangon.

Bukas, masasaksihan ko ang pagbabago ng buhay ko.
Bukas, magsisimula na ang pangalawang yugto ng paglalakbay kong ito.

No comments: