Nakapanlulumo ang diary ng isang ATENISTA na ito. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng pagiging UAAP Champion nila at naging utak bola ang kanyang kaisipan o dahil epekto lang ito ng sobrang traffic sa KATIPUNAN. Whatever!
Hindi ko gustong husgahan ang tao na may-akda ng mga imahe sa ibaba. Isa lamang siyang tao na nilamon ng materyal na bagay ang kaisipan. Nilamon ng modernisasyon ang kamalayan ang ipinanganak ng dalawang asong ulol.
Noong bata pa ako ay mayroon kaming kasambahay na isang aeta na tumagal din ng maraming taon hanggang umalis na lang siya ng lumaki na kami. Ni minsan ay hindi ko inisip na iba ang kanilang uri at humahanga pa nga ako dahil lagi silang bida sa SIBIKA at KULTURA na subject ko sa school.
Basahin niyo na lang ang kwento ng isang ATENISTA sa baba nito. Kayo na ang humusga.
Wala akong karapatan na kwestiyonin ang turo ng eskwelahan nila o ng kahit sino pang santo. Pero higit na nakapanlulumo sa kwento ay ang klase ng pag-asal na ipinakita ng kanyang mga magulang. Ikakahiya ko siguro kung ganyan na klase ang mga magulang ko.
Sa mga pagkakataon na ito naiisip ko kung gaano ako ka-swerte na isang nilalang ng Diyos. Una, dahil mayroon akong wisdom. Pangalawa, dahil nabuksan ko ang aking kamalayan sa realidad ng buhay. Isang bagay na hindi matutumbasan ng isang bote ng perfume o isang dosena ng LV bags.
1 comment:
hello. happy new year!
nabasa ko din to sa blog ni gorrell. she's everywhere.
Post a Comment