Ang POST ko ngayon ay tungkol sa SUNOG, APOY.
Sa lahat ng sakuna sa buhay at aksidente, ang masunogan ang pinaka-ayaw ko. Pero, ang totoo, dalawang beses na kaming nasunogan ng bahay. Ang una ay noong maliit pa lamang ako nang nakatira pa kami sa Maynila at ang panghuli ay nang bigla na lamang nag-apoy ang dirty kitchen namin dito sa probinsya. Halos hindi ako makapaniwala noon na nakikita ko kung gaano kabilis kumalat ang apoy. Buti na nga lamang at mabilis namin itong naapula. Muntik na talagang matulog kami sa kalsada.
May kasabihan daw kasi na mas mabuti ng manakawan ka ng sampung beses kaysa masunogan ka ng isang beses. Kaya ganoon na lamang ang awa ko kapag may ibinabalita sa TV ng mga pamilyang nasunogan. Mahirap magsimula. Mahirap ang buhay na back to zero lalo na kung hindi De Venecia ang apelyedo mo.
Ngunit may napansin ako. Lately, feeling ko ay nagiging scripted ang Bureau Of Fire Protection. Sa paiba-ibang beses kasi na nagkakasunog sa buong kamaynilaan, ang pinakahuli pa nga habang sinusulat ko ito ay ang sunog na nangyari sa Malakanyang, walang ibang reason sa imbestigasyon ng BFP kundi "Faulty Electrical Wiring". Iyan ang Number One Reason ng Sunog. Kumbaga sa Videoke, siya ang "My Way" ni Frank Sinatra.
Ilan bang sunog ang ini-report sa TV na hindi naging resulta ng imbestigasyon ang "FAULTY ELECTRICAL WIRING." Ito na yata ang pambansang dahilan ng SUNOG. Wala na bang pwedeng ibang gamitin na phrase ang BFP kundi "FAULTY ELECTRICAL WIRING"? Dahil sa totoo lang, kahit nga isinusulat ko ang katagang iyan dito sa aking blog ay para bang naririndi ako sa paulit-ulit na sulat ko ng "FAULTY ELECTRICAL WIRING".
Sana naman ay maka-isip sila ng ibang kataga. 2009 na. At sana, ngayong bagong tao ay umiwas na tayo sa sakuna.

No comments:
Post a Comment