Una akong nakasagap ng tsismis tungkol sa libro na ito mula sa mga entertainment websites. Ang sumulat nga naman ay si Ricky Lee - isang batikang manunulat sa telebisyon at pelikula. Kaya naman ng minsan ay mapadaan ako sa National Bookstore ay hinanap ko kaagad ang libro niya.
Noong una, nakalimutan ko pa ang title. Hanap dito. Hanap doon. Hanggang sa sumuko ako at naghanap ng staff ng National Bookstore.
Nagtanong ako sa isang babae.
AKO: Miss, mayroon na ba kayo ung bagong novel ni Ricky Lee? Nakalimutan ko po kasi title eh.
NBS Staff: Para Kay B?
AKO: 'Un. 'Un nga po. (sabay isip na finally may isang tao na alam ang title ng libro na hinahanap ko)
NBS Staff: Hindi ko sure kung mayroon pa kaming stock 'eh. Sabay punta sa isang drawer, halungkat ng libro sa PHILIPPINE FICTION.
AKO: (Tumatakbo sa isip ko na wala na talagang pag-asa)
NBS Staff: Sold out na po 'eh.
AKO: Ahh... Sige, salamat na lang. (Sa isip-isip ko eh kaya pala alam niya ang title ng libro eh dahil naibenta na. Malas.)
Susuko na sana ako ngunit ng pauwi na kami papuntang Bicol(matapos magpa-picture ako sa CR ng ALI Mall with Senator Noynoy Aquino) ay may National Bookstore din nga pala sa mall na un.

Pasok sa mall.
Hanap sa Philippine Fiction.
Halungkat.
B-I-N-G-O.
Price? 250.00.
Pila.
Bayad.
Itago sa bag.
Uwi ng BIKOL.
Basa.
Ihi ang pahinga.
Buklat ulit ng pahina.
Tapos.
Hanap sa Philippine Fiction.
Halungkat.
B-I-N-G-O.
Price? 250.00.
Pila.
Bayad.
Itago sa bag.
Uwi ng BIKOL.
Basa.
Ihi ang pahinga.
Buklat ulit ng pahina.
Tapos.
Para Kay B ( O Kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)
By: Ricky Lee
By: Ricky Lee
Ang FINAL VERDICT?
MATAPANG ang pagsulat ni Ricky Lee. Isang katapangan na may halong halakhak tulad ng kay Bob Ong. At katapangan na may halong dignidad tulad ng pagsulat ni Alan Navara sa Girl Trouble. Halatang-halata ang pagiging experienced writer ni Ricky Lee. Isa lang ito sa mga librong binasa ko na akmang gawin indie movie o teleserye. Masyadong mapangahas. Teknikal ang pagsulat. Makata ngunit moderno at talaga namang pinagpawisan ako sa ibang kwento. Natural ang pagkwento niya tungkol sa paksa - L.O.V.E. I mean, papasok ang pantasya mo ng isang relasyon na magkahalo ang lahat ng elemento - paniniwala, away at gulo, at ang pinaka-exciting - SEX. Oo. SEX. Ito ang nagbigay kulay lalo na sa unang kwento. Dito inilabas ang galit ng karakter at ang mahusay na paglarawan sa paksa ng walang halong kabastusan.
Overall, nasulit ang pera na ibinayad ko at ang pagod ko sa paghahanap sa librong ito. Magandang basahin ang libro lalo na sa mga tulad kong parte ng karaniwang tao - umiibig, nasasaktan at umiibig muli. Isang henyo ang manunulat kaya mararapat lamang na isang work of art ang kanyang nailimbag na libro. Nakakabighani at tagos sa puso.

No comments:
Post a Comment