Showing posts with label Happy Valentine's Day. Show all posts
Showing posts with label Happy Valentine's Day. Show all posts

Sunday, February 15, 2009

Ang Kwento ng Siomai at Rice In A Box

May isang bagay sa mundo ang pilit ko na inuunawa.

POOF!

Lights... Camera... Action!!!


Sumakay ka sa MRT. Paglingon mo sa iyong kanan, nakakita ka ng isang dalaga ngunit hindi naman talaga dalaga. May bitbit siyang bata. At sa unang tingin pa lang ay alam mo ng anak niya iyon. Walang kasamang asawa o boyfriend man lang kaya nag-assume ka na single mother ang nakita mo. Nakita mo sa kanyang ngiti ang hirap na dinanas niya sa buhay. Mga pangako na nasira. Kinabukasan na kinalimutan dahil sa pag-ibig na inakalang tunay. Nagpaka-tanga. Ngunit sa bawat haplos niya sa kanyang anak, isa lang ang napatunayan mo. Nagmahal siya at hindi mo siya pwedeng sisihin sa kahinaan niya na iyon.




Paglingon mo naman sa kaliwa mo, nakita mo ang dalawang magkasintahan na halos parehas ang tema ng suot na damit. Alam mo na kaagad na sila iyong mga tao na kumikita ng minimum wage sa araw-araw na pagbabanat ng buto. Mahal na mahal man nila ang isat-isa, nakita mo rin sa kanilang mata ang hirap na dinadanas sa pagharap sa problema sa araw-araw. Pamilya na umaasa sa kakainin sa pang araw-araw. Kapatid na pinagtatapos sa pag-aaral. Ang tanging pampawi ng lahat ng lungkot ay ang makita nila ang isat-isa, lunes hanggang biyernes. Walong oras sa bawat araw. Sakto na. Nagmahal sila.



Paglabas mo ng tren, sa iyong paglalakad ay mas namulat ka sa katotohanan. Sa tingin mo ay malandi ang dalawang mag-syota na high school at magkahawak pa ng kamay. Pero alam mo sa sarili mo na ginawa mo rin naman iyon. Andiyan din ang mga kolehiyala na kung maglakad ay para bang inubos na ang albatross sa CR ng mall. Ang mga tibo at bakla na pilit isinisiksik ang buhay nila sa mundong hindi sila matanggap ng tao. Ang mga gurang na nakahanap ng foreigner sa YM. Ang mga POWERPUFF GIRLS na ginawa ng negosyo ang katawan. Ang mga nagmamaganda, nagpopogi-pogian pero tuod naman. Ang mga pangit at masagwa ang mukha na nagpipilit makibagay sa uso. Ang mga babae na sadyang proud sa pagiging virgin ngunit ang totoo ay tigang naman ang pakiramdam. Marami pa sa kanila. Sa araw-araw na paglalakad mo ay makikilala mo sila. Makakasama. Makakabanggaan.



Sila ang mga ordinaryong tao. Parte ka ng mundo na iyan. Nagmahal. Nasaktan. Naglaro. Nagpaka-tanga. Ngunit isa lang ang klaro sa pag-unawa mo. Iba-iba man ang katayuan niyo sa buhay, pilit niyong isinisiksik ang inyong sarili sa isang sitwasyon kung saan alam niyo na magiging masaya kayo. Magkakamali ka nga lang.