Saturday, September 13, 2008

Streets Of Manila



Lahat ng kalye sa Maynila ay may pangalan...
kalsada man o distrito.
Ang mga pangalang ito ay lahat may pinagmulan.
kung kaninong tao...
anong kwento...
lahat dito ay may ALAMAT...




Tulad ng TAFT AVENUE.
Ipinangalan siya sa dating presidente ng US na si
William Howard Taft.
Nagsilbi si Taft na Civil Governor at
naging susi sa pagbibigay ng kalayaan
sa ating bansa sa panahon ng mga Amerikano.




May mga kalsada ring ipinangalan sa tao.
Padre Faura - Fr. Federico Faura (meteorologist)
Escoda - Josefa Llanes Escoda (ung nasa 1000)
T.M. Kalaw - Teodoro M. Kalaw Sr. (director of Nat'l Library)
Pedro Gil - (member of the independence mission)

Meron ding mga kalsadang hango ang pangalan sa buhay ni Dr. Jose Rizal.

Ito ay 'yung mga streets na makikita sa Sampaloc.

BLUMENTRITT. Laong Laan, Maria Clara, Sisa St. , Basilio St.,

marami pa sila.

Meron din mga kalsadang nagkaroon ng makeover throgh the years.

Tulad ng Roxas Blvd na kilala natin ngayon.

Bago siya naging Roxas Blvd., Dewey Blvd muna ang tawag sa kaniya.

At bago pa siya nakilala bilang Dewey Blvd., Harrison Blvd pa ang pinakaunang pangalan ng kalyeng nag-uumpisa sa Pasay at kung saan matatanaw ang Manila Bay.



Pero iisa lang ang pinakasikat na street...

at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung siya ba ay Intsik, Hapones...

o kung ano man ang naitulong niya sa Pilipinas...

para bigyan siya ng ganitong klaseng pagpupugay...

Napakaraming kalsada ang ipinangalan sa kanya...


Siya ay walang iba kundi... Si...


Ped Xing... short for pedestrian crossing...

(siguro, malaki ang utang na loob natin kay Ped xing... baka siya ang founder ng ZTE)

No comments: